Chapter 2: Drank Of Thoughts

13 3 0
                                    

Chapter 2: Drank of Thoughts




Inayos ko ulit ang box at nilagay sa pinakatagong bahagi ng aking cabinet.

Bigla akong nagcrave sa soju kaya naisip kong bumili na lang muna. Pinunasan ko ang luha ko, humarap sa salamin at nag-ayos.

*messenger notification*

Grace messaged you:
“Beh?”

Hmm…

“Po?”

“Nasa airport ka kanina? Narinig ko lang kina mama.”

“Ahh opo.”

“Dahil kay Basti?”

“Opo ate. “

“Ahh, sorry beh ah, di ko nasabi sa’yo na ngayon yung flight niya. Akala ko kasi…”

“Okay lang po yun ate.”

”Paano mo pala nalaman?”

“Sinabi lang din po sa akin ng kaibigan ko.”

”Ahh ganoon ba? O sige sige.”

“Pasensya na po ate kung nakagulo pa po ako. Gusto ko lang po sana talagang makita si Basti kahit sa huling pagkakataon na lang po. Hindi naman po masama ang intensyon ko.”

”Bakit? Ano ba nangyari kanina? May nasabi bang hindi maganda sina mama?”

“Ayoko na po sanang magkwento about dyan, ayoko naman po siyang masira sa inyo.”

“Beh, hindi rin naman okay si mama sa akin eh. May ginawa ba siya sa’yo?”

“Medyo masakit lang po yung mga sinabi niya kanina. Basta po, wala po akong masamang intensyon. Lalayo naman na po ako.”

”Hays, sila mama talaga. O siya, hindi ko naman sasabihin sa kanila. Pasok dito, labas na lang sa kabilang tenga. Ganoon talaga sila. Kaya buti na lang hindi kayo nagkatuluyan ni Basti. Baka hindi mo kayanin mga pinagsasasabi nila.”

“Magulang pa rin naman po siya ni Basti kaya po nirerespeto ko siya, sila. Okay na po ako ate, hayaan niyo na po.”

”Sige, basta pag kailangan mo ng kausap nandito lang ako ha.”

”Opo. Thank you po nang marami Ate Grace. Ingat po kayo ni Gianna.”

“Ingat ka rin.”

Tinali ko ang buhok ko at kinuha ang wallet kong kulay pastel pink.

Bumaba ako at nakita kong nanonood si Marah sa sala.

“Oh saan ka pupunta?” tanong niya.

“May bibilhin lang.”

“I bet alak yan?”

”Hahaha! Manghuhula ka ba?”

“Tsss… I know you. Ilan ba bibilhin mo?”

“Dalawang soju lang.”

Kumuha siya ng pera sa wallet niya at inabot ito sa akin.

“Dagdagan mo isa hahaha!”

“Kala ko pa naman ayaw mo. Akala ko nga papagalitan mo ako.”

“Papagalitan kita kapag lalaki kasama mong uminom. Kahit si Kade pa kasama mo, di ako papayag.”

“Hahaha oo na! Sige alis muna ako.”

When It Fell Apart - "Pag-Asa" Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ