chapter 8

298 8 0
                                    

Chandrix pov

I don't know where is he going Basta sinusundan ko lang sya ngayon

Mabilis syang mag drive kaya tutok na tutok ako sa kanya

Dalwang oras kaming nasa biyahe ,hanggang makarating Kami sa mansion nila

Ipinasok nya ang kotse nya at ganon din ako

Agad syang bumaba at padabog na isinara ang pinto ng kotse

Gosh! Nagkakaganyan sya dahil sa imapktitang babaeng yun?!

Bumaba ako at Sumunod sa kanya

Agad kaming Sinalubong ni Mrs. Hace na mommy ni Gab

"oh son! "salubong nya sa Amin sa pinto at Dali daling bumeso beso sa anak

May Hawak na pet si Mrs. Hace at naka baby con dress na kulay Red

Bebeso sana ako sa kanya pero napahiya ako ng Hindi nya ako pinansin at sa halip ay binalingan Ang anak at pinapasok sa loob

Napapahiya akong sumunod sa kanila hanggang sa makarating sa Living room

"Mabuti naman at mabilis Lang kayo? "sambit ni tita kay gab "kamusta ang Lakad?"Tanong nya

"O-okay naman po" pagsisinungaling ni gab na umupo sa sofa at sa kabilang couch naman ang mommy nya at tumabi ako kay gab

"medyo may unexpected Lang po na nangyari" Sambit ko pero napahiya ulit ako ng Hindi nya ako pansinin

Nakakainis! Bitch!

"Kamusta naman yung 'girlfriend' mo?"Tanong ni tita na diininan pa ang word na girlfriend

"Okay naman po mom" Sagot ni Gab

"Bakit Ganyan Ang itsura mo?, matamlay ka.. Teka, kumain ka na ba?"Tanong ni tita kay gab pero hindi sumagot si gab at halatang iniisip nya ang nangyari kanina

"hapon na pero hindi ka pa nakain?"galit na Tanong ni Mrs. Hace at mukhang lalabas na naman ang pagiging dragona nya

"Manang mag Labas ka nga ng isang plato at mga putahe!"sigaw na utos ni Mrs. Hace

Isang plato?

Nakakahiya man Pero umimik ako
"Mrs. Hace, Ako din po.. Di pa ako nakain" Sambit ko

"Ohh, Sorry I forget" Palusot nya kahit alam kung plastic ang pag kakasabi

"Two plates please! "sigaw ulit nito at agad namang lumabas si manang sa kusina ,Kasama Ang mga katulong at Dali daling inihanda ang mga putahe

Magsasandok na sana si Gab ng pagkain, nang biglang may sumigaw mula sa hagdan

"Letse! Letse!"pababang sigaw ni Mr. hace

"H-hon? "gulat na Tanong ni Mrs. Hace "what's your problem? "Tanong nya sa asawa

"Lahat Ng appointment ko bukas ay kailangan i'cancel! "galit na ni mr.hace at bumaling kay gab

"Oh, gab! Kamusta ang Lakad?"Tanong nya" Napaltan mo na ba si Zaira?"Tanong nya

Ngayon palang ay naaawa na ako kay gab dahil sya lagi ang Napagbubuntunan Ng galit nang mga magulang nya kapag may problema

Pero Madalas naman ay mababait Ang mga Ito sa kanya

Kilala ko na sila dahil Dati ay lagi akong Nandito

"Dad" Saway nito

Napabaling naman sakin si Mr. Hace na mukhang ngayon lang Ako napansin at iimik na sana ngunit pinutol yon ni Mrs. Hace

A Miracle CureWhere stories live. Discover now