chapter 25

297 8 0
                                    

Xaiver pov

Lumipas ang tatlong araw at Umuwi na si ate dahil may hiring sya na dapat asikasuhin ngayon

Si tita at tito naman ay Todo asikaso sakin

Nandito ako sa room ni gab

Nagtanong ako kung nasaan si gab pero may flight daw ito

May tatlong Paper bag na nakalagay sa desk na naglalaman nang mga bagong damit at halatang si gab ang nagbigay nun dahil may note na sana daw ay magustuhan ko

Napagdesisyonan ko na pumasok na sa trabaho ngayong araw

Napag alaman ko na lumipad na patungong states si mom and dad kahapon

Ang sabi ni tita ay ipinagtapat na daw sakin ng parents ko ang lahat dahil ito na daw ang tamang pamahon para malaman ko ang lahat at naniwala naman ako dun kasi yun din ang sinabi ni ate

Ilang oras pa at umalis na ako patungong Batangas

Habang nasa biyahe ay hindi parin ako makapaniwala sa mga nanyari nitong mga nakaraan

Sa ngayon ay hindi ko pa tanggap na Hindi ako totoong anak nang nakagisnan kong pamilya pero alam kong matututunan ko rin silang tanggapin at mahalin, lalo na si gab na parang kapatid ko na rin

Alam kong ituturing ko syang parang tunay na kapatid

Sya ang tunay kong kapatid

Sinabi ko kay tita at tito na baka matagalan bago ako bumalik sa puder nila dahil hindi talaga ako makapaniwala

Lumipas ang ilang oras at nakabalik na ako nang hospital

Agad akong dumiretso sa kwarto ni zaira

Tulog pa siya habang si tita naman ang sumalubong sakin at si tito ay nasa work parin

"Good morning po" Masayang bati ko kay tita

"Good morning din hijo,tumuloy ka" Sambit nya at Tumango naman ako at tumabi kaagad kay zaira

Napatingin ako sa balat nya na Wala nang mga sugat, hindi na rin sya maputla at Tumaba nang kaunti

"mukhang hiyang sya sayo"biro ni tita na umupo sa sofa at natawa naman ako

Nalinis narin ang mga libro na dati ay nakakalat

Nagising sya nang hawakan ko ang Mga kamay nya

"Magaling ka na" Nakangiting tugon ko at nagulat sya nang makita ako

"Akala ko ba, 1 week ka sa manila?"tanong nya

Yun din ang alam ko,HAHAHA

"Biglaan babe eh..na miss kita" Sambit ko na hinalikan sya sa Noo

Nagkamustahan lang kami at sinabi ko sa kanya ang lahat nang Nangyari sa Manila na ikinagulat nya

"Grabe,I can't believe" Sambit nya "pero okay kana ba?"tanong nya

"Oo naman, Okay lang ako" tipid lang na ngiti ang pinakawalan ko

"Magaling kana babe" Sambit ko at bakas saming dalwa ang pagkatuwa

Nagpatawag pa ako nang dalwang nurse para I'check sya at kumpirmado nga na Magaling na sya

Its a miracle akala ko tatagal pa ito nang isang buwan

Tinanggal ko na din ang suwero nya at nagpalit nadin sya nang isang simpleng dress

Ihinanda na ni tita ang mga gamit nila dahil ngayon narin makakalabas nang hospital si Zaira

A Miracle CureWhere stories live. Discover now