chapter 21

293 9 0
                                    

Zaira points of view

Kinabukasan

Nakabalik na ako sa dati kong kwarto at Nagpapahinga na ako habang si Xaiver naman ay Naka duty at tanging si Mama at Papa lang Ang Kasama ko ngayon

Hindi ko pa Sinasabi sa parents ko ang Tungkol sa sinabi ni ate xaivlyn dahil hinihintay ko pa na umamin si chandrix sakin

Hinihintay ko pa na Makalabas ako nang hospital,tsaka ko sya paaminin

Pero Nagulat kami sa Isang Katok mula sa Pinto, wala kaming inaasahang bisita ngayon..Si Xaiver ay hindi na nakatok kapag pumupunta dito

Agad na bumangon si Papa upang Buksan ang Pinto at Bumungad saakin Ang hindi ko inaasahan na tao

Chandrix..

Nandito ka para bumisita diba?

Nandito ka para Kamistahin ako..

Hindi para May sabihin sakin na hindi ko paniniwalaan

Bumeso beso sya kay Mama at Nakipag shakeshand naman kay Papa

"Good afternoon po" Sambit nito na tinanggal ang shades nya

Naka wrap dress sya at naka high heels

Agad akong Bumangon at tipid na ngumiti, para sakin hindi na mahalaga ang naging issue namin nung reunion

"Z-zaira" nauutal na bati nya

Hey, bitch

"hello." tipid na bati ko

Ngayon nya nalang ulit ako nadalaw kaya naging ganito ang pagtrato ko sa kanya

"Musta?"tanong nya

"ito, okay lang...Anong ginagawa mo dito?"walang kagana ganang tanong ko

"Anak.." Saway sakin ni Mama

"Alam mo hija, Miss na Miss ka na nang anak ko..Ganyan sya kasi Hindi pa sya magaling" Pagpapalusot ni Papa

"Hija, Umupo ka muna at magpahinga..Alam kong pagod ka sa biyahe" Pag iiba naman nang usapan ni Mama

Agad namang tumanggi Si chandrix at lumapit sakin kaya nag iwas ako nang tingin

"Zaira,Can we talk?"tanong nya "please" Sambit ko

Sige..Para Aminin mo na hindi ikaw ang May kasalanan nang lahat nang ito

"Ok" Sagot ko at Tumingin kay mama at papa "Ma..Pa..Pwede po bang Lumabas muna kayo?"tanong ko

"No need..Sa Rooftop nalang tayo mag usap para makalanghap ka nang sariwang hangin"Sambit nya

"Ok,Mama..Sasama ka ba?"tanong ko Kay Mama

"No, Kayo nalang para makapag bonding kayo" Sambit nito

Maya maya pa ay may dumating na nurse at may dala iyong weelchair

Agad akong sumakay doon at ilang minuto ang lumipas nang makarating kami sa Rooftop

May bench nang nakalagay doon kaya agad kaming umupo at sinenyasan nito ang nurse na Iwan muna kami

Iniwan naman kami nito pero iniwan ang wheelchair

"Anong gusto mong pag usapan?" malamig na tanong ko

"Marami" Sambit nya

"Bilisan mo na,Baka hinahanap na ako nang boyfriend ko" pag sisinungaling ko

"K-kayo na?"di makapaniwalang tanong nya

"yes,Kayo ba..totoo na kayo?"sarkastikong tanong ko

"H-hindi pa" Sambit nya at bumuntong hininga "May aaminin sana ako" Sambit nya

A Miracle CureWhere stories live. Discover now