chapter 20

293 9 0
                                    

Chandrix pov

Nasa living room ako at binuhay ko ang TV

Napag alaman ko na Hapon na pala dahil Balita ang palabas

"Magandang hapon Sa mga manood, Isang balita ang Aming hatid sa inyo.. Napag alaman na Sa isang hospital sa batangas May isang pasyenteng namatay Ang pangalan niya ay Zaira Mae Ramz dahil sa isang sakit na hindi pamilyar na hanggang ngayon ay Hindi parin nalalaman ang kanyang sakit, pero isang himala ang Naganap sa kanya ngayon dahil ang isang patay ay nabuhay--"

Pinatay ko na ang TV at napabuntong hininga

Wala na akong Pag asa kay Gab, Nagsisisi narin ako sa mga ginawa ko kay Zaira

Kahit ako ang gumawa nang sakit nya ay Nagsisisi ako

Nagawa ko yun dahil sa selos,Masyado akong nadala nang damdamin ko

Noon gustong gusto ko syang mamatay para mapunta sakin si gab, pero nagkamali ako

Dahil ngayon ko nakikita ang halaga nya bilang best friend

Hindi ko alam kong paano akong hihingi nang tawad sa kanya, Masyadong Malaki ang kasalanan na aking ginawa..Halos ikamatay na nya ang ginawa ko

Hindi naman na ako magtataka kung mabubulok ako sa kulungan,kase Alam kong maling mali ang ginawa ko at pinagsisihan ko iyon

Natinag nalang ako nang biglang may mag ring ang cellphone ko kaya dali dali ko itong sinagot

"Hello?"Bati ko dito nang hindi tinitignan kung sino ito

"Kamusta..kaibigan?"Boses nang isang matandang lalaki at alam kong si Mr.Jack ito

"What do you need?" tinarayan ko ang boses ko

"Aba!, nakalimutan mo na agad?" Tanong nya at Humalakhak "Tumawag ako para maningil nang Utang, kaibigan!"sambit nya

"magkano?"tanong ko para matapos na ang Usapan pero humalakhak sya

"Masyado ka yatang mabilis kapatid, Kaya mo bang ibigay sakin nang buo ang 30 million?"tanong nito

"What?"tanong ko "Napakalaki naman ata?" nagtatakang tanong ko

"baka nakakalimutan mo, Halos ikamatay nang Kontra bidang iyon ang sakit na iyon, Hindi ko lang alam kong sinong matalino ang nakatumbas nang galing ko at nagawa niyang Gumawa nang gamot para doon" Sambit nito

Gosh! Nasapo ko ang sariling noo at napabuntong hininga

5 million lang ang meron ako!

"Hanggang kailan ang pabuya?"tanong ko

"Akala ko ba kaya mong i'cash?, humirap ka yata kaibigan?"tanong nito nang nakakaloko

"masyadong malaki ang hinihingi mo,tanda" pang aasar ko sa kanya

"Sige, pagbibigyan kita sa loob nang  Tatlong linggo" Sambit nya

"Yun ay kung Hindi ka dadamputin nang Pulis sa linggong ito" Pananakot ko

A Miracle CureWhere stories live. Discover now