chapter 24

271 9 0
                                    

Xaiver pov

Leave ako bukas dahil Niyaya ako ni ate na lumuwas nang manila sa hindi ko malaman na dahilan

Nagpaalam ako kay Zaira at pumayag naman sya

Sa bahay.

Kakadating lang namin sa mansion at umupo agad ako sa sofa dahil sa pagod

"Ano bang ipinunta natin dito?"naiinis na tanong ko kay ate na ngayon ay Nakaupo narin at nagpapahinga

Itinaas ko ang paa ko na para talagang feel at home ang dating

"ibaba mo nga yang paa mo" Saway sakin

"shut up" sagot ko dahil sa pagod "kung ikaw si mom, susundin kita..eh wala sya dito so Wala akong susundin" pilyo kong sabi

"Paano kung sabihin kong nandito sya" Pang aasar nya" at nakikita ka nya"

"Sadyang makikita nya ako,yan lang yung picture nya oh..Nakatingin sakin" pambabara ko na kinaway kawayan ang picture sa table

Ngunit nagulat ako at mapatalon nang biglang lumabas mula sa Elevator si Mommy at tinawanan naman ako ni ate

Kelan pa sya umuwi?

Pinapunta nya ba ako dito para sermonan ako tungkol sa nangyari sa reunion at ang hindi ko pagsabi sa kanya na may Girlfriend na ako

Pagkatapos kasi nang reunion ay hindi ko na sya Nakita dahil kinabukasan ay umuwi na sya nang states at ako naman ay Busy kay Zaira

"Xaiver, magbihis ka" utos ni mom

"Nang pambahay?"tanong ko

"Nah, Pang alis" Sagot nya

"Pang alis na tong suot ko" Sambit ko

"Pang alis na yang suot mong yan?" naiinis na tanong ni mommy at sumeryoso "I mean yung Mas Maganda pa dyan" Sambit nya

Napatingin ako kay ate nang nagtatakang tingin at Nababasa ko sa isip nya na Sumunod nalang ako

Tumingin pa muna ako sa suot kong tops na vertical stripe polo shirt na kulay black and white na naka tack-in sa fit Slim pants, habang ang sapatos ko ay black sneakers

Napatayo ako at narinig ko pang bumulong si ate

"May pa'korean korean outfit kapa dyan mukha ka namang betlog" Bulong ni ate kaya sinamaan ko sya nang tingin

Dumeretso ako sa kuwarto ko at Nag shower matapos nun ay nagpalit ako nang luxury elegant suit

Nag elevator ako para bumaba at pagkababa ko ay nakita ko si Ate at mom na Malungkot na

Kasunod noon ay ang paglabas ni Dad mula sa walk in closet room nila ni mom na naka formal attire na rin

"lets go?"tanong ni dad at wala akong idea kong saan ba kami pupunta

Sasakay na sana ako sa kotse ko pero pinigilan ako ni mom

"Sabay sabay na tayo sa isang kotse" sambit nya na ikinapagtaka ko

Magtatanong na sana ako pero binigyan ako ni mom nang sinserong tingin kaya Sumakay na ako sa Mustang nya sa likod at katabi ko si ate

Kalhating oras at nakarating na kami Sa Bahay nang tita ko

Anong ginagawa namin dito?

Anong ginagawa namin sa bahay ni gab?

Nagtaka ako nang ibinalandra ni dad ang kotse sa labas at hindi nag park sa loob

"Buo na ba ang desisyon mo hon?"tanong ni dad pero bulong lang at kinig ko yun

"N-nah" Nakayukong sambit nito "Pero ito na ang tamang oras" Sambit nito

A Miracle CureWhere stories live. Discover now