✦ 011

323 23 16
                                    

G Y U R I ' S

"Nak, ayos ka lang? Kanina ka pa tulala diyan." napatingin agad ako kay Mama na nasa driver's seat at napansing nakatingin siya sakin sa rear view mirror.

Ngumiti lang ako ng pilit at tumango sa kanya. Binalik ko ang tingin sa labas ng bintana ng kotse. Ang lungkot ng panahon, walang sinag ng araw at makulimlim pa ang mga ulap. Napabuntong hininga ako ng maalala ko ang usapan namin ni Yedam kanina.

Papunta pa lang kaming school.. Excited pa naman ako kahapon lalo na't nalaman kong magkaklase kami ni Yedam. Kaso after ng mga sinabi niya sakin kanina sa chat, napalitan na ng kaba ang excitement ko.

Pasimple akong sumulyap sa katabi ko na kanina pa nagtatype at mukhang natatawa-tawa pa dahil sa kausap niya.

Gusto kong silipin kung sino 'yon pero.. Wag na lang pala. Ayoko na siya pakiealamanan, baka pag-awayan nanaman namin 'to.

# ✦ ㅡ

"Umuwi ng maaga, okay? Goodluck sa first day, Gyuri!" pagpapaalam sa amin ni Mama.

"Malaki na si Gyuri, Ma. Kaya niya na 'yan, parang first day lang eh.." bulong ni Nari at saka nagpasok ng earphones sa magkabilang tenga niya.

Hindi man lang 'to nagpaalam kay Mama, psh.

Kumaway ako kay Mama bago sundan si Nari. Oo, nag-aral na ako dati dito pero duh, 2 years ago pa 'yon. Di na ako pamilyar sa mga building dito, ang daming mga bagong tayo.

"Nari!" tawag ko pero tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad. Bwisit talaga, paghahabulin pa ako.

"Yah! Hwang Nari!" sigaw ko ulit pero katulad ng kanina, di niya pa din ako naririnig dahil sa punyetang earphones na suot niya. Gaano ba kalakas 'yon para hindi niya marinig ang sigaw ko?

"Aish, sabing teka lang eh!" pagrereklamo ko ng mapansin kong bumilis lalo ang lakad niya. Nice, sa hagdanan pa talaga siya dumiretso.

Nagsimula na akong tumakbo ng tuluyang mawala ang presensya niya sa paningin ko. Ang dami ko tuloy nabangga dahil doon.

Pati sa hagdanan ay nagmamadali ako, nakatuon lang ang pansin sa mga paa ko para hindi magkamali ng hakbang.

Kaso—

"AH!" mahinang sigaw ng isang lalaki na nabangga ko.. Oh my god.

Hindi ko na siya natignan pa at nag-bow kaagad. "I'm so sorry! Hindi ko sinasadya!".

Wala akong narinig na sagot mula sa lalaki. Kinakabahan ako, paano kung masama ang loob niya dahil sakin? Gaano ba kalakas yung pagbangga ko sa kanya huhu.

Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko at saka tinignan siya sa mga mata.

Ang lungkot.

Pero iba ang pinapakita ng mukha niya. Gulat. Inis. Magkahalo ang dalawang 'yon sa ekspresyon na binibigay niya sakin ngayon.

"Long time no see, Dami." bati ko.

I missed you so much.

I missed you so much

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
KING OF HEARTS 'ʸᵉᵈᵃᵐWhere stories live. Discover now