✦ 059

338 24 31
                                    

Y E D A M ' S

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Y E D A M ' S

"Yedam!" nakangiting bati sa akin ni Nari pagkabukas ng pinto. Ngumiti naman ako pabalik sa kanya, sana lang hindi halata na pilit.

Pumasok kami sa loob, "Lumabas si Mama sandali. Umupo ka muna diyan, kukuha lang ako ng maiinom mo." imik niya.

Nilibot ko ang tingin sa sala nila, wala masyadong nagbago dito. Ganoon pa din ang itsura. Napansin ko ang mga pictures na nakapatong sa side table ng sofa at pinagmasdan ang mga 'yon.

Ang cute ni Gyuri.

Hindi ko naiwasang mapangiti dahil doon. Ang inosente niya tignan, at yung ngiti niya.. Sobrang totoo, sobrang saya. Ganyan din niya ako ngitian noong may 'kami' pa.

Sana lagi ka ding napapangiti ni Jeongin.

"Yedam.." napalingon ako sa nagsalita, si Nari.

Oo nga, si Nari 'yan Yedam.. Siya ang kasama mo ngayon, siya ang pinunta mo dito.

Bakit ko pa ba iniisip si Gyuri?

"Ang cute ko ba?" pagloloko niyang tanong.

"Saan?" tanong ko pabalik.

"Sa mga pictures, diba tinitignan mo 'yang mga 'yan kanina?" napalingon ulit ako sa mga pictures na pinagmasdan ko.

Nandoon nga siya pero.. Hindi ko napansin.

"Ah, oo nga. Haha." tanging nasagot ko na lang.

"Hm. Ayos ka lang?"

"Oo naman.. Bakit?"

"Wala. Parang ang tamlay mo lang kasi ngayon tignan." nilapag niya ang dala-dala niyang pitsel at baso, umupo siya sa kabilang side.

"Dahil ba wala si Gyuri?" hindi niya ako tinitignan.

Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung anong isasagot sa kanya. No.

Ayokong masaktan siya sa sasabihin ko kaya hindi ako makapagsalita.

Si Gyuri pa din ang dahilan.. Siya pa rin.

"Nevermind. Gusto mo ba―"

"Nari, I'm sorry."

I'm very sorry..

"Para.. Para saan, Yedam? Bakit ka nagsosorry.."

"Hindi ko alam kung magugustuhan kita pabalik.. Hindi kita pwedeng i-date habang ganito ako."

"H-Hindi ko maintindihan. Bakit mo 'to sinasabi sakin ngayon? May nangyari ba? A-Anong.. Yedam, please."

"I'm sorry pero.. Hindi ko kaya, Nari."

Hindi ko siya matignan sa mata pero alam kong sobrang nasasaktan na si Nari sa bawat salitang sinabi ko. Pero 'yun ang totoo at kailangan kong sabihin sa kanya ang tunay na nararamdaman ko.

"Anong hindi pwede? Yedam naman. Ang sabi mo susubukan mo pero bakit sumusuko ka na agad?"

Naririnig ko ang paghikbi niya habang nagsasalita, she's crying and it's all because of me. Nakakainis. Nakakainis ka Yedam.

"Sobrang tagal na kitang gusto, Yedam! Mas nauna pa akong magustuhan ka kaysa sa kapatid ko! I.. I even love you."

"I'm sorry. Hindi ko naman gustong saktan ka.. Pero―"

"Pero mahal mo pa din si Gyuri. Mahal mo pa din siya, hindi ka pa din naman talaga nakakapag-move-on mula sa kanya, hindi ba?" natahimik ako.

Maybe she's right, mahal ko pa din talaga si Gyuri. Pilit ko lang i-deny dahil ayokong magmukhang tanga sa sarili ko.

"Iniwan ka na niya Yedam! Sinaktan at pinagpalit sa iba pero bakit siya pa din ang gusto mo?!"

Hindi ko din alam..

"Bakit si Gyuri nanaman?! Bakit si Gyuri na lang palagi! Bakit hindi ako? Kailan ba.. Magiging.. Ako.."

Napatingin ako sa presensya ni Nari, para siyang nanghihina. Anong.. Anong nangyayari?!

"Nari!"

"Yedam.. Si Mama.. T-Tawagan mo siya.. Please.. Hindi.. Ako makahinga.."

"Ano bang nangyayari sayo? Yah, Hwang Nari!"

"A-Ang sakit.."

"Ano?"

"Ang.. Sakit ng hawak mo.. Yedam.."

Napatingin ako sa pagkakahawak ko sa mga braso niya, hindi naman 'to mahigpit, bakit―

"Nari, ano 'to? Bakit andami mong mga pasa?!"

"Yedam.. Si Mama.."

And at a moment, Nari collapsed.

And at a moment, Nari collapsed

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
KING OF HEARTS 'ʸᵉᵈᵃᵐTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon