✧ 052

301 22 12
                                    

3 days later

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

3 days later.

1:17 pm

Gyuri
YEDAAAAAAAAAAAM

Gyuri
papunta ka na ba dito?

Gyuri
nagluto si mama kasi
alam niyang dadating
ka daw hshs

Yedam
omw.

Seen 1:22 pm

Bang Yedam logged out.

Gyuri
okay |

G Y U R I ' S

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

G Y U R I ' S

"Ano ba 'yan, ni hindi man lang ako hinintay mag-reply." napasimangot ako habang tinitignan ang screen na hawak-hawak ko ngayon.

Hindi, Gyuri! Ayos lang 'yan, at least nag-reply pa din sayo diba. Kaysa naman sa mga nakaraang araw na puro seen lang ang ginagawa niya sa mga messages ko..

May nagawa nanaman ba akong mali para hindi niya ako pansinin?

Tumayo na ako mula sa kama ko at saka inayos ang buhok at damit ko sa harap ng salamin. Dapat talaga hindi na ako humiga pa, nagusot tuloy yung likod ng dress ko, aish.

Maya-maya ay nakarinig ako ng doorbell mula sa baba. Agad akong lumabas ng kwarto at nagmadali bumaba sa sala. Kaso..

Naunahan na pala ako ni Nari.

"Yedam?"

"Surprise!" bati ni Yedam sa kanya habang nakangiti.

Inabot niya kay Nari ang isang paper bag, "Binili ko na yung librong hinahanap mo." dagdag niya pa. Binuksan naman ng kapatid ko dala-dala niya na ngayong paper bag, agad siya napangiti sa nakita.

Napayakap siya kay Yedam habang nagpapasalamat.

Napansin niya naman ako mula sa hagdanan na pinapanood silang dalawa. Nagkatinginan kami ng saglit, hindi ko alam kung ano pa bang maibibigay kong reaksyon sa kanya.

"Yedam. Nari." napalingon kami sa nagsalita.

Kahit si Mama, mukhang nagulat sa nakita niya.

Hindi ba ito ang gusto niyo?

# ✧ ㅡ

Tahimik lang kaming kumakain ngayon. And yes, hindi pa kami nagpapractice ni Yedam. Ewan ko pero parang wala na din akong gana magpractice pagkatapos ng lahat ng nakita ko..

Napatingin ako kay Nari na kumuha ng isang slice ng beef at nilagay ito sa ibabaw ng kanin ni Yedam. Napatawa siya ng mahina dahil dito.

Sa tatlong araw na lumipas, kapansin-pansin sa kanilang dalawa ang pagiging mas malapit sa isa't isa. Kung dati ay tuwing lunch lang sila magkasama, ngayon, makita lang ni Nari si Yedam sa hallway ay sasama na agad 'to sa kanya.

Parang totoo na ang lahat sa kanila.

"So, Yedam-ssi.. May practice ulit kayo ni Gyuri ngayon?" tanong ni Mama.

"Opo, Tita." sagot naman ni Yedam sa kanya.

"Pero, may gusto ho kasi akong ipagpaalam sa inyo kaya medyo napaaga ang dating ko dito."

"Ipagpaalam? Tungkol ba sa inyo ni Gyuri 'to?"

Sa amin?

"Ah, hindi ho. Actually, tungkol sa amin ni Nari."

Ano?

"Yedam.. Anong tungkol sa atin?" bulong ni Nari sa kanya.

Ramdam ko naman ang mga tingin sa akin ni Mama. Alam niyang hindi ko nagugustuhan ang mga nangyayari ngayon.

"Kung ayos lang sa inyo, Tita, pwede ko ho bang ilabas si Nari bukaㅡ"

"'Wag na tayo mag-practice. May pupuntahan pa nga pala ako mamayang hapon." pagpuputol ko sa sinasabi niya.

"Mama, mauuna na po ako." paalam ko bago tuluyang umalis sa kinakaupuan ko.

Ayoko. Ayokong marinig at makitang sinasabi ni Yedam ang kung ano mang gusto niyang ipagpaalam kay Mama.

Ayokong panoorin ang sarili kong pinagpapalit ng taong mahal ko sa mismong kapatid ko.

Bumalik ako para ibalik ang lahat sa dati. Para ibalik 'yung nasira kong 'tayo'. Para bawiin lahat ng sinabi kong kasinungalingan sayo noon.

Pero heto ka ngayon, Yedam, pinapadama sa akin kung gaano kasakit makitang may mahal ng iba ang taong gusto mo pang makasama ulit.

Pero heto ka ngayon, Yedam, pinapadama sa akin kung gaano kasakit makitang may mahal ng iba ang taong gusto mo pang makasama ulit

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

happy 2k reads!

KING OF HEARTS 'ʸᵉᵈᵃᵐWhere stories live. Discover now