✧ 032

306 20 19
                                    

3:12 pm

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

3:12 pm

Gyuri
psst!

Gyuri
practice daw natin sa p.e.
para sa mapeh project ;(

Gyuri
practice with your
partners daw D;

Gyuri
so nasaan ka? tara,
practice na tayo dali!

Yedam
nasa restroom lang ako,
mauna ka na sa court

Gyuri
ah, okay

G Y U R I ' S

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

G Y U R I ' S

Kanina pa ako palingon-lingon dito sa may court, halos lahat ay kasama na ang mga partner nila at nagsimula na sa pagpractice.. Habang ako, hinihintay pa din dumating si Yedam.

Ang tagal naman niyang mag-restroom.

Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa ng jogging pants ko, wala naman si Sir kaya ayos lang. Chineck ko ulit ang chatbox namin ni Yedam.

19 minutes na ang nakalilipas mula ng i-message ko siya..

Ano bang ginagawa pa niya sa restroom at ang tagal-tagal non?

Maglalakad na sana ako pabalik ng room para tignan kung doon ba nagtitigil si Yedam kaso..

Busy pala siya kay Nari.

Sabay silang naglalakad pababa ng stairway, parehas na may dalang mga books at iba pang papel. Nagtatawanan pa yung dalawa.

Pag kayo nadapa diyan, tatawa lang ako, mga bwisit.

Napakunot ang noo ko habang patuloy silang pinapanood.

Napansin siguro nila ako na nakatingin dahilan para ibalik ni Yedam kay Nari yung mga buhat-buhat niya kanina.

Alam niya namang may practice kami tapos ngayon pa siya makikipaglandian. At sa kapatid ko, enjoy na enjoy niya siguro 'tong palabas ni Yedam kasama siya.

Sinamaan ko lang ng tingin ang presensya na lumapit sa akin habang nakangiti.

"Sorry kung natagalan. Tinulungan ko lang si Nari, andami niya kasing―"

"Mag-practice na tayo." pagpuputol ko sa sinasabi niya at saka umayos ng tayo.

Lumapit siya sakin at inabot ang magkabilang kamay ko, pinatong niya sa balikat niya ang isa at hinawakan ang kabila.

Kung nagtataka kayo kung anong sayaw ng ginagawa namin, it's waltz. Kaya ganito kami ngayon, ang awkward.

Hindi ako makatingin sa kanya, nanatili akong nakatungo. Alam ko kasing namumula na ang buong mukha ko ngayon.. Nakakahiya naman kung makikita niya pa no.

"Yah. Humawak ka nga ng maayos sa kamay ko, hindi pwedeng ako lang ang nakahawak sayo." imik niya.

"O-Okay.. Ano ba yung first step.." narinig ko naman siyang tumawa ng mahina.

Napatingin agad ako sa kanya at nakita siyang nakangiti.. Napangiti ko ulit siya katulad ng parati kong ginagawa noon.

"Ang ganda talaga ng ngiti mo.. Lalo na kapag ako ang dahilan." ngiti kong pabalik sa kanya.

Mukhang natauhan naman siya bigla at napalitan ang ngiti niya ng parang gulat na ekspresyon.

"Para ka kasing ewan. Ikaw 'tong magpupumilit na mag-practice pero di mo pa naman pala alam yung unang gagawin―"

"Ah basta! Mas bagay pa din sayo ang nakangiti lalo na kapag dahil sa akin."

"Ewan ko sayo. Tumungo ka na nga lang." at saka niya hinawakan ang ulo ko pababa. Ginawa pa akong electric fan ng isang 'to.

"Tch. Kinilig ka lang eh, Dami."

"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
KING OF HEARTS 'ʸᵉᵈᵃᵐWhere stories live. Discover now