Kabanata 1

232K 11.2K 12.5K
                                    

Kabanata 1

"Sino ba si Giorgion San Pedro, Marupok ka?!" singhal ko kay Suzette na ngayon ay halos nagmamakaawa saakin.

Sino ba kasing malakas ang amats na magi-imbita ng di naman niya close sa kanyang 18th birthday?!

She slouched on her chair and started arranging the violet themed invitations on the table. Binatuhan niya ako muli ng tingin na nagpapaawa.

Nasa Main Caf kami, inaayos ni Suzette ang mga invitations niya para sa 18th birthday niya. Late kasi siya nakapag-aral kaya mas matanda siya sa akin ng isang taon. Hindi naman halata dahil mas mukha siyang bata sa akin at mas bata siya umakto.

Both of us are from TVL- Cookery. Nakilala ko siya dahil madalas kaming maging magka-grupo kapag merong groupings. She's fun to be with since she's pretty laidback.

"Crush ko 'yon! Nasa 18 roses siya kaso di niya pa alam." Hagikgik ni Suzette, twirling her curly hair with her finger.

I narrowed my eyes at her.

"Pota ka, paano 'yon makaka-attend?!" kinurot ko siya sa pisngi. She winced because of that.

"Kaya nga nandiyan ka e! Ikaw magbibigay ng invitation," suhestiyon niya at nagawa pa akong bigyan ng isang ngiti.

Ngumiwi ako at binato ang invitation sa mukha niya.

"Ulol, di ko nga 'yon kilala tapos ako pa magyayaya sa kanya?"

Masyadong mataas ang pangarap nitong kaibigan ko. Gusto sana niya na lahat ng ex niya ang magiging eighteen roses sa kanyang kaarawan kaso hindi umabot sa eighteen kaya naman mga crush na lang niya.

Ang problema lang ay hindi naman lahat ng crush niya ay kakilala namin. Ang iba ay sadyang gwapo lang sa paningin niya.

"Sige na, Arrisea! Kahit 'yun na lang regalo mo sa akin! Makapal naman mukha mo e." Ngumuso siya.

Natigilan ako at biglang lumingon sa kanya. Magandang ideya 'yon. Hindi ako gagastos kung sakali. Ngumiti ako sa kanya at binawi ang invitation na binato ko.

"Game! Anong strand ba no'n?"

She smiled sheepishly, she pointed towards the building near bonanza area.

Kaya naman kasalukuyan akong nasa harap ng room ng ABM 1. Nasa Accountancy, Business and Management pala 'yung crush niya. Naks, mukhang pera.

Habang papunta ako rito, nararamdaman ko ang mga titig sa akin ng tao. Lalo na ng mga lalaki. Malalagkit. I decided to ignore it, hindi naman kasi ako nilalapitan.

I'm not blind. Alam ko kung bakit ganoon na lamang ang titig nila sa akin. I was blessed with looks that seems to captivate most people. Samahan pa ng katawan ko na medyo humuhulma na dahil na rin sa aking edad.

Sa TVL building, sanay na ang mga mata ng lalaki sa akin dahil madalas ako roon. Siguro rito ay naninibago pa sila sa aking mukha.

I have foreign blood in my veins. Ang maikli kong buhok ay kinulayan ko lamang ng itim dahil ayokong masyadong mapagkamalang banyaga. May maliit akong nunal sa ibabang bahagi ng kanang mata ko, a beauty mark as they say.

My father is a foreigner who had a cliché love story with my mother. Ang pangit nga lang ng pagiging gasgas dahil ginawang kabit ng Papa ko ang Mama ko nang hindi niya alam. My father wanted to raise me abroad when I was already seven years old, pero hindi ako tanggap ng kanyang asawa. Kaya naman bumalik din ako sa Pilipinas kahit ibang-iba ang buhay ko noon at ang buhay ko ngayong kasalukuyan.

I learned to speak english because my stepmother mocked me for not speaking her language well. Maswerte siya dahil hindi pa ako marunong magmura noong bata ako dahil baka araw-araw ko siyang namura noon dahil sa mga ginawa niya sa akin.

Cost of Taste (Published)| ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon