Kabanata 19

173K 8.5K 12.4K
                                    

Kabanata 19

It was almost summer.

I freaking survived grade 11.

Hinihintay kong lumabas si Adren galing sa loob dahil kasama kasi siya sa recognition para sa taon na ito. My grades were good but my conduct didn't pass for the achievers so I wasn't included.

"Congrats!" Sinalubong ko si Adren nang yakap. Binalik naman niya ito habang hawak-hawak pa rin ang certificate niya.

"Thank you!" He said, grinning.

"Ang galing ni Zafirah!" Manghang saad ko habang nakikita siyang kausap ang over all top 1 ng STEM na si Sarathiel. Ang goals, ah? I heard she's the over all top too.

Zafirah and I got to know each other when she asked me if I can help her bake a blueberry cheesecake during Valentine's. Nakakatuwa nga siyang panoorin no'n dahil halatang hindi siya marunong magluto. Still, she was making an effort for Sarathiel.

"Next year, pwede ka rin makasama." He pinched both of my cheeks. "Practice ka maging mabait, ha?"

Ngumiwi naman ako sa kanya. Akala mo naman anghel 'tong isang 'to! Baka fallen angel, pwede pa.

"Wait, I'll just reserve our seats."

Tumalikod si Adren sa akin dahil may kausap siya sa telepono para sa reservation sa resto. I looked around and frowned upon seeing someone.

Natanaw ko si Suzette na may kausap sa college building. Nagtataka akong lumapit dito dahil wala naman na kaming klase at pareho kaming wala sa honors.

"Suzy," mahigpit ang pagkakahawak nung lalaki sa mga kamay ni Suzy. "Pakinggan mo naman ako."

Suzy was shaking. Ngayon ko lang nakita ang kaibigan ko na nanlulumo ang itsura. Unti-unting lumandas ang luha sa kanyang mukha.

"Gago..." pilit na inaalis ni Suzy ang pagkakahawak sa kanya.

"Suzy, makinig ka naman sa akin!" singhal nung lalaki.

"P-paano ha?! Paano mo n-nagawa 'yon?!" histerikal na sigaw ni Suzette.

"Suzy, huwag ka sumigaw. Huwag dito dahil maraming tao. Halika, magusap tayo sa ibang lugar..."

Hindi ko alam kung bakit halos bumaluktot ang mga lamang loob ko sa mga napapakinggan ko. The guy is coercing her for sure.

"Bitawan mo kaibigan ko," malamig kong saad.

Masama ang tingin sa akin nung lalaki nang bumaling siya sa akin. He dismissively wave his hand at me, indicating for me to get lost.

"Naguusap lang kami, Miss. Labas ka rito."

Lalo lamang akong lumapit.

"Nasasaktan na siya, tanga. Nanay mo, sana di ka na lang nilabas sa tiyan." Dinuro ko ang namumulang pulso ni Suzy sa sobrang higpit ng hawak nung lalaki.

"Bitawan mo na ako, Luis." Nanghihina ang boses ni Suzette. "Pakiusap, umalis ka na."

Luis didn't budge and even yanked Suzy to his side. Nagtiim bagang ako dahil sa ginawa niya at minabuting tulungan na si Suzy.

"Suzette, maaayos pa natin 'to."

Umiling-uling si Suzy. "Umalis ka na. Nandito lang ako dahil ibabalik ko lahat ng binigay mo."

Sinipa ni Suzette ang isang malaking box papunta roon sa lalaki. She averted her gaze while her tears were cascading down her face.

"Huwag mo na ako tatawagan, kokontakin, o kahit ano." Malungkot siyang tumingin kay Luis. "Magagalit girlfriend mo."

Cost of Taste (Published)| ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon