Kabanata 29

155K 8.6K 9.9K
                                    

Kabanata 29

Araw-araw kong ginugulo si Etienne na ayusin ang gusot na ginawa niya. Sometimes he'll answer me with sardonic remarks but most of the time, he'll only send me infuriating memes. Ang nakakainis pa ay katabi ko lang naman siya pero mas pipiliin niya pang kausapin ako gamit ng pag-text saakin.

Alam niya kasing wala akong load at hindi ako makakapag-reply. Bwisit.

"Hindi ka ba galit sa akin?" sa kalagitnaan ng pangungulit ko ay bigla siyang nagtanong.

Nasa isang resto kami ngayon na malapit sa school.

Inisip ko kung galit ako sa kanya. It is true that he manipulated me into thinking that this relationship can make Adren suffer, pero sa huli ako pa rin naman ang may kasalanan. Naniwala ako sa kanya. Although, I just need some push from him in order to fix things.

I decided to throw a joke.

"Siguro? I mean, sayang lang 'yung mga panahon na nag-drama ako at nakikinig sa mga pangmalakasang kanta."

Aba, ilang buwan din 'yata na puro lang akong pakikinig sa mga kantahan na pang-senti. Muntikan ko na nga itong i-suggest sa interpretative dance namin sa PE.

Etienne only stared, his grey eyes piercing through me. Sumilay ang isang ngisi sa labi niya.

Nag-pangalumbaba siya. "You've always been a positive thinker; always seeing the good in people to the point of actually just disregarding whatever bad things they've done."

"Masama ba 'yon?" Tumaas ang isang kilay ko.

"Hindi naman," He said, shrugging. "Pero hindi lahat ng tao ay tulad mo. Not everyone has the heart for forgiveness."

My eyebrows furrowed.

"Wala naman akong nakikitang mali kung palaging 'yung mabuti lang ang tinitingnan ko."

Etienne chuckled. "That's the root of being blinded by love. Ang mga tunay na bulag sa pag-ibig ay ang mga taong hindi kayang tanggapin na hindi perpekto ang kanilang minamahal. Palagi na lang nilang pinipilit tingnan ang mabuti at nagbubulag-bulagan pagdating sa maling ginawa ng mahal nila."

Umiling ako sa kanya.

"I accept Adren's flaws."

His stare was unwavering. "Do you?"

"Yes —"

He cut me off.

"Really? You don't know him that well..."

"Mahal naman ako no'n? Kapag mahal mo, madali lang ang magpatawad."

"Not in their household..." he shrugged his shoulders. "Adren isn't someone who can forgive easily."

"Alam ko naman na may kasalanan ako at gusto ko lang malaman niya na pinagsisisihan ko 'yon."

"Then I'll let you meet someone."

Kumunot ang noo ko. "Sino?"

He licked his lower lip before smirking. "The person who gave him a reason not to forgive in the first place."

⋅•⋅⊰∙∘☽༓☾∘∙⊱⋅•⋅

Etienne and I went to another restaurant. Mas magarbo ito sa unang restaurant na pinanggalingan namin. The gigantic chandelier in the middle of the restaurant tells me that this is exclusively for those who can afford to buy a full course meal in expensive hotels.

"Here," Etienne pulled the chair for me. Umupo naman ako matapos niya 'yon gawin.

Umupo rin siya sa upuan sa tabi ko at nagsimulang magkalikot ng kanyang cellphone. Ilang minuto lang ay may babaing pumunta sa direksyon namin. She looks extravagant, all dressed in black and her accessories are made of pearls. She sat in the chair infront of me.

Cost of Taste (Published)| ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon