chapter 1

87 4 3
                                    

Allysa's POV.

"Ingat ka lagi dun, anak ha?" sabi ni papa habang inaabot sakin ang baon ko.

"Maraming salamat talaga, Teresita." humarap si papa sa mama ni Charmaine.

"Opo, ano ka ba tito!" sagot ni Charmaine na kakababa lang sa sasakyan.

"Ito naman si papa, uuwi rin naman 'yan kapag maluwag ang schedule." sagot ng ate kong si Athena.

"Oh, ito." nag-abot sakin si ate ng 1000 pesos.

"Sobra na 'to ate." sabi ko at binalik sakaniya ang pera.

"Bumili ka ng bagong sapatos o damit." sabi niya at inabot sakin.

"Oh siya't ihahatid ko na ang mga batang are." sabi ni tita.

Pumasok na kami sa loob ng kotse, katabi ko si Charmaine.

Hindi kami mayaman kagaya nila Charmaine, hindi rin naman kami mahirap. OFW ang mama ko, si papa naman ay nagaasikaso saming 4 magkakapatid.

Si Kuya James, Athena, ako at ang bunso naming kapatid na si Airene.

Graduate na si Athena, while si kuya naman ay nag-stop mag-aral dahil nagbulakbol at nakabuntis.

Nakikitira ngayon samin ang girlfriend niya kaya medyo masikip na rin sa bahay namin.

"Bakit ba naisipan mong mag-education, nak?" tanong ni tita sakin.

"Nako, mababa ang suweldo dyan." dagdag pa niya.

"Gusto ko po kasing makapag-share ng kaalaman ko sa iba." sagot ko.

"Mag-masters ka pa?" tanong pa ni tita.

"Additional year para mag-aral." bulong ni Charmaine sakin.

"Hay nako, Charmaine. Mabuti nga si Allysa alam ang gusto sa buhay." sabi ni tita, nakita ko naman kung paano magbago ang mood ni Charmaine kaya ngumiti na lang ako.

Patuloy lang na nag-drive si tita hanggang sa makarating kami sa Maynila.

"May makakasama pa kayong isang babae dine ha." sabi ni tita habang tinutulungan niya kaming mag-ayos ng gamit.

Ilang oras din ang nakalipas bago kami matapos mag-ayos ng gamit namin.

"Tawagan niyo lang ako kapag may kailangan kayo ha?" pagpapaalala ni tita, babalik na kasi ulit siya sa Bulacan dahil dun ang trabaho niya.

"Sabihan mo lang ako kapag gutom ka na ha." sabi ni Charmaine bago dumapa sa kama at nag-cellphone.

Para kaming nasa isang malaking bahay ngayon, dito sa loob ng kuwarto may 3 kama maluwag naman kahit papaano dahil may tig-iisa pa kaming cabinet.

Para na siyang maliit na bahay, may CR pero wala lang kusina sa loob ng kuwarto.

Maya maya pa't may kumatok.

"Ikaw na magbukas." utos ni Cham dahil ako ang mas malapit sa pinto at this moment.

Tumayo ako para buksan ang pinto.

"Hello." ngumiti ako sa babaeng nakatayo sa pinto namin.

"Hi, ito yung room 201 di ba?" tanong niya, ang ganda niya tignan. Medyo mas matangkad siya samin ng onti at maputi.

We could happen.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon