chapter 48

25 0 0
                                    

Allysa's POV.

Ilang araw ang nakalipas, and it's already the weekend which means David will be home.

I cooked chicken wings dahil nag-request si David non. I also prepared some for Charmaine dahil pupunta siya to get her things.

As per our condo renovation thingy, si David ang in charge sa blue print kinempers. Ako na raw bahala sa kulay ng mga pader at sa interior design.

Sa totoo lang I feel really happy being with David, super advance niya kasing mag-isip. He thinks about our future. Yea 'our', it's cute that he includes me sa future niya.

from: Engineer Galang
   Babe, we just landed. Don't pick me up na, isasabay ako nila Chael.

Lumingon ako sa paligid, I made sure na maayos ang bahay before taking a bath.

Pagkatapos kong magbihis I heard a knock, kaya excited kong binuksan ang pinto.

"Rey?" gulat kong tanong. Naalala ko na sinabihan ko nga palang uuwi si Charmaine ngayon.

"Pakibigay na lang sakaniya 'to." he handed me a bouquet of roses.

"Hindi na ako mags-stay rito, baka mailang lang siya sa sarili niyang bahay." ngumiti si Rey sakin bago naglakad palayo. Nakatingin lang ako sakaniya hanggang sa makarating siya sa hallway.

"Hi." napangiti ako nang makita ko naman si David.

"Anong ginawa ni Rey?" he asked me.

"He wanted me to give this to Cham, pupunta kasi si Cham today to get her things." sagot ko kay David at pumasok kaming dalawa sa loob.

"I missed you." yumakap si David sa'kin at humalik sa ulo ko.

"Ay bagong ligo?" inalis niya ang pagkakayakap niya sa'kin, pinalo ko siya sa braso. Dito ko napansin ang benda sa may kamay niya.

"Anong nangyare?" I asked him.

"Napaso lang sa microwave." sagot niya sa'kin.

"Ligo na ako." sabi niya at pumasok sa kwarto.

"Kain ka na?" I asked him paglabas niya sa banyo.

"Kakain na tayo." sagot niya mula sa kwarto.

"May 1 week off kami ni Chael from work. Saan mo gusto pumunta?" he asked me.

"Wala naman." sagot ko sakaniya habang inihahanda ko ang pagkain niya.

He sat on the counter at inantay akong makatabi sakaniya para sabay kaming kumain.

"Ako na maghuhugas." sabi niya.

"Babe, no. 'Yung kamay mo." sagot ko sakaniya habang inaayos ang mga hugasin sa lababo

"Okay lang." sagot niya sa'kin. Pinalo ko ang kamay niya at halatang nasasaktan pa rin siya.

"Oh ano?" natatawang sabi ko sakaniya at nagsimulang maghugas ng plato. Nakatayo lang siya sa gilid ko habang naghuhugas ako.

"What?" tanong ko sakaniya.

"Wala lang." he smiled at me,

"Ang ganda mo." humalik sa noo ko bago pumunta sa sala. Maglalaro pala kasi siya sa PS4, napailing na lang ako.

Maya maya pa'y dumating na si Charmaine para kunin ang natitirang gamit niya. I also gave her the bouquet of roses Rey sent her.

Sana nakita ni Rey ang ngiti ni Charmaine nang mahawakan niya ang flowers.

We could happen.Where stories live. Discover now