chapter 46

28 0 0
                                    

Allysa's POV.

"Just wow." Cham rolled her eyes nang ibalita ni David na tumigil na si Rey sa career niya.

"Kasalanan ko pa?" sabi niya. Nagiinuman kasi kami ngayon since hindi naman naubos ang binili ni Mich kanina.

"Eh nakita ko ngang may pumasok na babae sa unit niya." lumagok si Cham sa baso niya.

"Huy, affected." asar ni Michelle.

"Ikaw ba naman sabihan ng 'Mahal pa rin kita'." dagdag ko pa dahil naikukuwento rin ni Cham sakin.

"Gusto niyo basahin ko 'to sa ulo niyo?" inangat niya ang bote, tumawa naman kaming tatlo.

"Pinsan namin 'yon, si Sofia. Wala na si Rey dyan." sabi ni David, napalingon naman ako sakaniya dahil hindi ko na rin madalas nakikita si Rey.

"Saan na siya nakatira?" she asked.

"Sa bahay." sagot ko sakaniya.

Nagpatuloy kami sa kuwentuhan hanggang lumipas ang ilang oras, umuwi si Charmaine sa Bulacan dahil baka raw makasalubong pa niya si Rey 'pag nagtagal siya.

Mabilis lumipas ang mga araw, ngayon ay aalis si David papuntang Cebu dahil nga 'dun sa project nila ni Chael.

Ihahatid daw niya ako sa school bago umalis kaya maaga kaming gumalaw ngayon.

"Bye, Ingat." I smiled at him before stepping out of the car. Bigla niyang ni-lock ang pinto. Nasa parking lot kami.

"Babe, male-late ako." sabi ko sakaniya at ngumiti.

"Bye ingat lang?" pinag-krus niya ang kamay niya.

"Isang linggo ako mawawala." dagdag niya.

"Ano gusto mo? Sama ako sa'yo?" I joked at tumawa.

"Pwede naman." ngumiti siya sa'kin.

"You know I can't." sabi ko sakaniya at humawak sa kamay niya.

"Oh sige na, ma-late ka pa sa airport." sabi ko, at humalik sa pisngi niya.

"Ingat, mahal. Message mo 'ko ha." I smiled at him. Ngumiti lang siya sa'kin bago niya buksan ang pinto.

"Babe!" he called me. Nagulat ako nang bumaba siya mula sa kotse niya at inihagis ang susi sa'kin.

"Bakit?" I asked, holding his keys.

"Magt-taxi na lang ako on my way to the airport, you use the car." sabi niya at binuksan ang trunk para kunin ang maleta niya.

"Baka magasgasan ko!" sigaw ko sakaniya dahil ngayon ko lang nahawakan ulit ang susi niya. Lagi kasi akong tumatanggi kapag pinagda-drive niya ako ng kotse niya.

"Okay lang, gasgas lang naman. Ang mahalaga safe ka." humalik siya noo ko.

"Oh sige na. Baka ma-late ka pa 'di ba?" he smirked. At nakatingin lang sakin, inaantay akong umalis.

Naglakad ako papunta papunta sa office. May mga nakasalubong akong mga estudyante na nagkumpulan sa tapat ng office.

"Excuse me, children." sabi ko, automatic namang nag-give way sila sa'kin.

"Wala ba kayong klase?" I stood in front of them. Umalis naman sila.

"Bakit sila nandito?" I asked my co-teacher.

We could happen.Where stories live. Discover now