chapter 26

38 1 2
                                    

Allysa's POV.

I woke up early today dahil luluwas nga ako pauwi sa Bulacan, dala dala ko ang tuwalya ko on my way down sa CR.

Nagulat ako nang makitang gising na si Michelle umiinom ng kape habang nagbabasa ng libro.

"Good morning." bati ko sakaniya,

Halos hindi ko mapigilan ang tawa ko dahil sobrang lutang niyang tignan at halatang wala pang tulog.

"Akala ko dun ka sa room mo natulog?" I asked her.

"Nandun si Rey and Charm." she answered.

"Tulog ka muna sa room ko." sabi ko sakaniya.

"But I have work to do." sabi ni at humigop sa kape niya.

"Okay, basta bukas yung room ko." sabi ko at pumunta na sa banyo para maligo.

Mabilis lang din ako naligo, sanay kasi ako sa mabilisang galaw dahil 4 kaming magkakapatid na naghahati sa banyo.

Pagkalabas ko ay nakita kong tulog na si Michelle sa sofa, nakapatong ang libro sa mukha niya.

Kinuha ko ang empty mug niya at hinugasan sa lababo.

"Hello." bati sakin ni Cham.

"Bagsak ka kaagad kagabi ah?" sabi niya sakin habang nagtu-toothbrush ako.

"Baliw, uuwi kasi ako Bulacan diba?" sabi ko sakaniya, nag-gargle naman siya.

Hindi ko naman ikinagulat na pababa na rin si Rey mula sa kuwarto ni Michelle.

Yumakap agad siya sa girlfriend niya sabay bati ng:

"Good morning." at humalik sa pisngi ni Cham.

"Kadiri kayo, umagang umaga." sabi ko at tinapos ang pagtu-toothbrush ko, ngumiti lang sakin si Rey.

"Bitter?" pinanlakihan ako ni Cham ng mata.

"May David ka naman--ay!" sabi ni Charmaine, halatang nangaasar.

"Sabunutan kita dyan, makita mo." sabi ko at pinakyu siya.

"Pikon!" sabi niya at bumelat pa, umakyat na ako sa kuwarto para kunin ang gamit ko.

"Baka may ipapadala ka kina tita?" I asked Charm.

"Apo." sabi ni Mich na nakaupo na naman pala sa sofa, tinignan siya ni Cham.

"Just kidding!" sabi ni Mich at nag-peace sign, halos maibuga ni Rey ang iniinom niyang kape nung narinig niya yun eh.

"Unless?" dagdag pa ni Mich, nabato tuloy siya ni Charmaine ng unan.

"Kapag kalokohan magkasunod kayong dalawa." sabi ni Charmaine.

"Maybe five years from now." tawa ni Rey nahampas tuloy siya nang wala sa oras.

"Kung tatagal kayo eh." asar ko kay Charmaine, nakakatuwa ang itsura niya dahil mukhang paiyak na siya.

Pagtulungan ba naman namin siyang tatlo.

"Bitter, porket may iba si David." umirap si Charmaine sakin.

"Weh, wala nang masabi." sagot ko sakaniya.

"Umuwi ka na nga sainyo!" sabi niya at tumayo, akala ko sasabunutan ako yun pala ay dadalhin lang sa lababo ang plato niya.

We could happen.Where stories live. Discover now