chapter 30

32 1 5
                                    

Allysa's POV.

"Oh siya, mag-ingat anak ha." sabi ni papa at humalik sa ulo ko.

"Opo." ngumiti ako at yumapos sakaniya.

"Ingat kayo." sabi ni ate samin.

Pumasok na kami ni Charmaine sa kotse. Ako ang nasa likuran dahil ayaw nila maghiwalay.

"Love, tuloy tayo starbucks?" tanong ni Charmaine si Rey na nagaayos ng seatbelt.

"Love." siko ni Charmaine kay Rey.

"Starbucks?" patanong na sagot ni Rey.

"Sabi mo kahapon ililibre mo kami." pinanlakihan ni Cham ng mata si Rey, mukhang maga-away pa sila.

"It's fine, you can just drop me off sa condo." sabi ko sakanila, lumingon namang silang dalawa sakin.

"Huy, hindi. Ililibre ko talaga kayo." sabi ni Rey at nagsimulang magmaneho.

Nakatulog ako habang nasa biyahe kami pero masasabi kong mabilis lang din ang transport time namin dahil pagkagising ko ay nasa North EDSA na kami.

"Starbz?" lingon sakin ni Cham.

"Sige." sagot ko habang nagi-inat.

Lumiko si Rey sa Vertis, dun daw kami magka-kape. Habang pababa ako ng kotse, nakita ko ang isang familiar na kotse.

Hindi ko na lang pinansin 'yun dahil marami namang mustang na itim dito.

"Ano order niyo?" Rey asked as soon as we got in.

"Espresso na lang ako." ngiti ko kay Rey, tumango siya.

"Malaki na?" he asked, ako naman ang tumango.

"Hanap na ko upuan." paalam ko sakanilang dalawa.

Nakita ko sa isang table si David, mukhang iniintay ang order niya. Hindi ko alam anong gagawin ko, kung iiwas ba ako or babatiin ko.

"Allysa!" he raised his hands, asking me to come.

"Hi." I smiled at him.

"What are you doing here?" I asked, still smiling.

"Coffee?" he answered.

"Yeah, coffee." pag-sang ayon ko sakaniya.

"I gotta go, I -I'm with Cham and Rey." sabi ko at tumalikod sakaniya, I heard him scoff.

"Sinasadya niyo?" bulong ko kay Charmaine na nakapila pa rin.

"Alin?" she asked.

"Andito si David." sagot ko sakaniya.

"Bakit? Exclusive ba 'tong coffee shop for you?" tanong ni Charmaine na kinainis ko.

"Ugh! I meant why is he here?" tanong ko kay Charmaine.

"Ask him, ba't ako?" sabi ni Charmaine kaya umupo na lang ako sa bakanteng table.

"Bakit ka umalis?" tanong ni David at pinatong ang gamit niya sa table namin.

"Occupied 'yan, kasama ko si Charmaine at Rey." sabi ko kay David.

"I was asking you for a cup of coffee." sabi niya.

"Kasalanan ko bang malabo ka?" sagot ko sakaniya, he chuckled and playfully held his chest.

We could happen.Where stories live. Discover now