chapter 5

25 1 0
                                    

"Save ko na lang muna 'to, pagbalik ko na lang ipa-print." sabi ko kay Andrei, nasa library kami ng Aquos dahil nakigamit ako ng computer para sa paper ko.

Wala rin naman kaming klase pareho kaya nagpasama na rin ako sakaniya.

"Andrei?" tawag ko sakaniya, gamit niya kasi ang cellphone niya.

"Drei.." tinapik ko ang balikat niya, agad niyang tinago ang cellphone niya na parang may krimen siyang nagawa.

"Ano 'yun?" tanong niya sakin habang tintignan ang computer screen ko, chine-check siguro kung okay yung gawa ko.

"Pagbalik ko na lang uli rito sa Maynila tiyaka ko i-print." sabi ko sakaniya at pinaabot ang bag ko sakaniya dahil nasa side niya ang bag naming dalawa.

"Ako na lang kaya mag-print?" tanong ni Andrei.

"Abala na naman ako sa'yo, 'wag na huy." sabi ko pagka-save ng file sa flashdrive ko.

"Para nga di ka na magkumahog pag uwi mo." sagot niya at kinuha sa kamay ko yung flashdrive.

Halos tatlong buwan na rin kaming nandito sa Maynila, hindi kami makauwi dahil minsan pati linggo ay may pasok si Charmaine.

"Sige, bayaran ko na lang." sabi ko sakaniya at isinukbit ang bag ko sa balikat ko.

Lumabas kami sa library. Nauna akong maglakad bahagya dahil parating na raw kasi si tita, ayoko namang maging pa-VIP.

"Una na ako ah." sabi ko at lumingon sakaniya.

"Oo, sige." sabi ko sakaniya, alam ko na kasing magsasabi siya ng 'hatid na kita'.

"Kilalang kilala mo na ako ah." sabi niya at ngumiti sakin, sumunod naman siya sa sakin.

Gaya nga ng sabi ko, naglakad kami papunta sa apartment. Nanlaki ang mata ni tita nang makita si Andrei.

Lumapit na ako ang nag-bless bago umatras ulit para magpaalam kay Andrei.

"Magandang hapon ho." bati ni Andrei kay tita.

"Oh sino ba areng gwapo na ito?" lumingon sakin si tita at binigyan ako ng 'ikaw ha' look.

"Nako, gwapo ho? Kayo ng po hindi halatang mag-nanay." sagot ni Andrei, nagkatinginan naman kami ni tita dahil hindi naman talaga kami mag-nanay.

"Hindi talaga kami mag-nanay, anak niya yung isa kong kaibigan. Si Charmaine." paliwanag ko kay Andrei at ngumiti, napakamot naman siya sa ulo niya.

Nag-ring ang cellphone ni Andrei dahilan para maputol ang usapan.

"Mauuna na ho ako, nice meeting you po." sabi ni Andrei at tiyaka umalis.

Baka nagtataka kayo kung bakit nandito si tita?

Long weekend napagdesisyunan ni tita na sunduin kami para naman makamusta namin ang pamilya namin, halos dalawang buwan na rin ako rito sa Maynila.

"Musta naman sa Maynila, Ysang?" tanong ni tita sakin.

Ysang ang tawag sakin ng mga tao sa probinsya.

"Wow, siya agad kinamusta Ma?" nagtatampong sabi ni Charmaine dahilan para matawa si tita at si Michelle.

"Siya talaga tunay na anak mo eh noh?" biro pa ni Charmaine.

"Oh, take 2." sabi ko.

"Sus, wag na ho." sagot ni Charmaine at isinara ang bag niyang iniimpake aakalain mo pa ngang babalik na sa probinsya sa dami ng dala.

Pagkatapos non ay nagpaalam na kami kay Michelle, mamaya pa raw kasi siya uuwi dahil wala rin namang tao sa bahay nila.

Medyo matagal ang travel time namin dahil nga long weekend. Marami siguro ang uuwi ng probinsya o kaya eh magbabakasyon sa north.

"Sino naman kasama mo kanina ha?" tanong ni tita sakin habang nagda-drive.

"Hulaan ko, ma. Medyo matangkad kay Allysa tapos naka-salamin at medyo mahaba buhok?" sagot ni Charmaine, agad namang lumabas sa utak ko ang itsura ni Andrei.

"Oo, kilala mo?" sagot ni tita.

"Boyfriend mo, Ysang?" dagdag pa ni tita.

"Opo---"

"Nako, hindi po. Kaibigan lang po." putol ko kay Cham, hinila ko pa buhok para tumahimik siya.

"Ano ba talaga?" sagot ni tita.

"Kaibigan lang po." sabi ko ke tita.

"Kaibigan pero laging magkasama? nako po." bulong ni Charmaine sakin.

"Malisyosa ka lang talaga." sagot ko sakaniya.

"Ano 'yang bulong bulong ah?" sabi ni tita kaya agad akong dumungaw na lang sa bintana.

Pagtapos non ay tahimik na kami sa biyahe pauwi nauna akong bumaba dahil medyo nasa looban pa ang bahay namin. Nag-text na lang ako sa kapatid ko na sunduin ako sa bungad.

"Ate Ysang!" masiglang bati sakin ng bunso kong kapatid na si Airene

"Hi, bunso." sagot ko sakaniya sabay abot ng eco bag na may laman na mga pagkain.

"Andyan si papa?" tanong ko sakaniya, minsan kasi kapag ganitong oras nagta-trabaho siya pa-extra extra sa construction.

"Ay wala po, may binili ata." sagot sakin ni Airene habang naglalakad kami papunta sa bahay.

"Ano are?" tanong ni Airene at sumilip sa eco bag.

"Relief goods?" sabi niya at tumawa.

"Sila kuya?" tanong ko nung makarating sa gate namin, ako na ang nagbukas.

"Ay nagpunta po sa doktor." sagot niya habang binubuksan ko naman ang pintuan.

Sakto lang ang laki ng bahay para sa aming walo rito, may tatlong kuwarto at isang banyo.

Dumiretso agad ako sa kusina para maghanap ng mailulutong pagkain, gusto ko kasi pagdating ni papa ay kakain na lang siya.

"Gusto mo adobong manok?" tanong ko kay bunso dahil may nakita akong manok sa ref.

"Bahala ka po." sagot niya habang inaayos ang pasalubong ko. Oo nga pala, 4 years ang agwat namin kaya siya nagamit ng po at opo. 18 ako, siya naman ay 14.

Nilabas ko sa ref ang manok para palambutin.

We could happen.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon