Start

61 1 0
                                    

Handkerchief

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.

Handkerchief

BAILEY ALLISON

"ALLI."

Tinignan ko siya. He's smiling from ear to ear and I can't help myself to giggle. Ang cute niyang ngumiti.

"Hmm?"

He held my hand. I felt my cheeks heat up. Sinong hindi magbla-blush sa ginawa niya diba?

He played with my fingers. Nakatuon lang sa kamay naming dalawa ang tingin niya. Na pansin kong namumula ang tenga niya. Napangiti ako.

He looked at me, shyly. "I can't hide it anymore, Alli. Ayokong may ibang lalaking umaaligid sayo. Gusto ko ako lang. Ayokong may ibang nagkakagusto sayo. Gusto ko ako lang."

I pursed my lips. My cheeks are burning. "W-what do you mean by that, Max?"

He smiled and kissed my hand. "I-"

"HOOOOYY!!"

"WAAAHH!! Ano ba, Raine?!" Inis na inis kong singhal sa kanya. Panira naman kasi. Nandun, na eh. Sasabihin na sana ni Max na mahal niya ko.

Tumabi siya sakin sa kama at tinignan ang laptop ko. Napailing naman siya. "Sabi ko na nga ba eh, nagde-daydream ka na naman at dahil na naman 'dyan sa Neil Maxwell Saavedra na 'yan."

Sinamaan ko siya ng tingin at umupo ng maayos. "Alam mo ba-"

"Hindi- Aray! Makabatok ha!" Reklamo niya.

"Ang pilosopo mo kasi. Sasabihin na sana ni Max na mahal niya ko! Tapos liligawan na sana niya ko kung 'di dahil sayo!" Sigaw ko.

Napaatras naman siya bigla. "Grabe ha. Wag mo namang dibdibin 'yan. Pwede mo pa ipagpatuloy 'yang pagde-daydream mo."

Tinaas ko ang kamay ko para mabatukan ulit siya kaya napayuko siya at nagtago. Bahagya akong na tawa saka ko binaba ang kamay ko. "Pasalamat ka nandito tayo sa bahay nyo kundi nakadalawa akong batok sayo."

Nag angat siya ng tingin sa'kin at ngumuso. Lumapit pa siya sa'kin at niyakap ang braso ko. "'Di mo na ba mahal ang lifetime bestfriend mo?" Nakangusong sambit niya at nagpaawa pa.

Napairap naman ako at tinignan ko siya. "Hay, ang kulit mo. Oo na, mahal kita."

Ngumiti naman siya ng malapad at niyakap ako ng mahigpit. "Aww, ang sweet naman ng bestfriend ko! I love you too!" Masayang sambit niya at hinalikan niya ko sa pisngi.

Umarte akong nandidiri at mahinang tinulak palayo sa'kin ang mukha niya. "Hay, ang childish." Bahagya akong na tawa at napailing.

Ngumuso ulit siya pero agad naman niyang binawi 'yon. "Yiieee! Ngumiti na siya!" Pang-aasar niya.

Bahagya akong na tawa at pinisil ko ang magkabilang pisngi niya. "Ang kulit kulit mo kasi!" Nanggigigil kong sambit.

"Aray! Grabe ha." Nakangusong sambit niya at hinimas ang pisngi nya. Na tawa lang ako sa inakto nya. "Uy! Punta tayo sa mall, Bailey! Last week na lang ng bakasyon! Gala na tayo."

Messed Up FeelingsDove le storie prendono vita. Scoprilo ora