Chapter 26

19 1 0
                                    

Chapter 26
We're all in this together

LOUIS AARON

"NASAN SI SAAVEDRA?" Bungad sa amin ni Coach ng salubungin niya kaming apat.

Nagsitinginan naman sa akin ang tatlo kaya napabuntong hininga na lamang ako. "Pinaabsent muna siya ni Tito, Coach. Emergency." I lied.

Mukha namang naniwala sa akin si Coach at pinapasok na niya kami sa locker room para makapagbihis.

"Hindi kami naniniwala sa'yo, Lorenzo." Seryosong sambit ni Vance ng masiguro niyang kaming apat lang ang nasa loob.

I heave a deep sigh as I sat down at bench in front of our lockers. Tumabi naman sa akin sila Glen at Caleb samantalang nanatili lamang na nakatayo si Vance.

Nakatingin silang tatlo sa akin at halatang inaabangan ang sasabihin ko.

"Max broke down. Hindi pa rin pala siya nakakamove on sa pag-iwan ni Almond sa atin ng walang paalam." Malumanay na paliwanag ko.

Nakita ko kung paano lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Vance. Napayuko naman sila Glen at Caleb dito sa tabi ko.

Mukhang kami ring apat ay hindi pa nakakamove on sa nangyaring iyon. Almond was the only girl we treat as a sister. Pagkaalis ni Almond ay wala na kaming tinuring na ganun muli.

She held a special place in our hearts. At alam kong kapag nalaman nilang nandito pa rin pala si Almond ay magkukumahog silang lahat para lang makita itong muli.

"Maybe it's because of Bailey." Biglang bulalas ni Vance.

Binalik ko ang tingin ko sa kanya at muli kong nakita ang ekspresyon sa mukha ni Vance na si Almond lang ang nagpapalabas. Umaliwalas iyon, ibang iba sa karaniwan nitong malamig na ekspresyon.

Wala sa sarili itong ngumiti sa kawalan. "Bailey reminds me of Almond so much to the point that I wanted to get to know her more. Her smiles and laughter resembles Almond's."

I knew it. Noong kwinento pa lamang ni Bailey na nginitian siya ni Vance ay alam ko ng nakikita nga nito si Almond sa kanya.

Her smile does feels like Almond's but I know their difference. Bailey's smile is much more cuter while Almond's smile is carefree.

Bahagyang tumawa si Caleb saka bahagyang umiling. "Hindi lang ikaw, Almeda. Maski naman ako unang kita ko pa lang kay Bailey biglang lumambot ang puso ko sa kanya."

"Hoy, Velasco! Hindi ko nagugustuhan ang ngiti mo! 'Wag ka ng dumagdag sa problema ko!" Biglang saway ni Glen at tumayo pa siya upang maharap si Caleb.

Caleb was taken aback. "Ano na namang ginawa ko?" Pagmamaktol nito.

"You're fantasizing Lili!" Pagbibintang ni Glen sa kanya.

Agad nanlaki ang mata nito saka tumayo upang makalayo kay Glen. "Maghunos dili ka nga, Tan! Tangina, parang kapatid lang ang tingin ko kay Bailey!" Depensa nito at pinagkrus niya pa ang mga braso niya sa harap ng kanyang mukha bilang proteksyon.

Muling umaliwalas ang mukha ni Glen saka tinapik ang balikat nito. Caleb even flinched at his touch. "Mabuti na't malinaw."

Natatawang napailing na lang ako sa ginawa ni Glen. Akala mo talaga tatay ito ni Purple.

"At ikaw Lorenzo 'wag kang patawa tawa 'dyan! Tandaan mo lagi akong nakabantay sa bawat galaw mo!" Dinuro pa ako nito.

Napatigil ako sa pagtawa at nag-aalinlangan na lamang na ngumiti saka nagtaas ng peace sign. Alam ko kung gaano kahalaga ni Purple kay Glen kaya paniguradong makakalimutan niyang magkaibigan kami kapag may ginawa akong hindi maganda kay Purple.

Messed Up FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon