Chapter 14

14 1 0
                                    

Chapter 14
Aussie Siblings

LOUIS AARON

          MULING NAPADAING SA sakit si Caleb ng hindi ko sinasadyang matamaan siya ng bola sa tyan ng ipasa ko iyon sa kanya.

"Break!" Sigaw ni Coach at lumapit ito agad kay Caleb para daluhan.

Nag-aalala rin akong lumapit kay Caleb at inalalayan ko siyang makaupo sa bleachers para makapagpahinga. Napangiwi siya sa sakit ng kanyang tyan at napahawak rito.

"Sorry, Velasco. Sorry. Hindi ko sinasadya." I apologized as I stared at him. Worry and guilt is written all over my face.

Naramdaman kong nakasunod na sa amin ang mga teammates namin pati si Coach.

I felt Coach's hand at the top of my shoulder so I faced him. Worry filled his eyes when I looked at him.

"Lorenzo, may problema ka ba? Kanina ka pang parang may iniisip. Ilang beses mo na ring hindi napapasa ng maayos ang bola sa mga teammates mo." Nag-aalala niyang sambit.

I sighed as I glanced at my teammates. "Sorry, Coach. May iba lang akong nararamdaman ngayon." Pag-amin ko.

Tumango siya at tinapik niya ko sa likod. "Sige. Tapusin na natin 'tong practice na ito. Bukas na lang natin ituloy." He looked at me intently. "Magpahinga ka na, Lorenzo. Everything's gonna be okay." Nakangiti niyang paalala.

Napangiti ako sa sinabi niya at bahagyang tumango. "Thank you, Coach."

Tinanguan niya lamang ako saka siya nagpaalam sa iba. Nagsilapitan naman agad sa amin ni Caleb ang tatlo ng makaalis na si Coach at ang iba pa naming teammates.

Dinaluhan nila Vance at Max si Caleb samantalang walang sabi sabing hinila ako ni Glen palayo sa kanila.

Gulat man ay hinayaan ko na lang siyang hilahin ako patungo sa kabilang dulo ng mga bleachers. Paniguradong alam niya na rin kung bakit ako nagkakaganito ngayon. Maging siya ay hindi rin nakakapag-focus sa laro. Parehas kaming malalim ang iniisip habang naglalaro kanina.

Pinaharap ako ni Glen sa kanya ng masigurado niyang hindi kami maririnig ng tatlo. He looked at me intently. "What happened to you?" He asked seriously.

I looked at him with the same intensity. "What happened to you?" I asked him back.

He blew a deep breath as he messed up his hair. "I'm worried, Lorenzo." Pag-amin niya saka siya tumingin sa'kin. His eyes held concern and horrify. "Ayokong isipin pero pakiramdam ko may masamang nangyari kay Lili."

Parehas lang kami ng nararamdaman pero nakuha ng atensyon ko ang tinawag niya kay Bailey. "Lili?" Kunot noo kong tanong.

Sa kabila ng kabang bumalot sa kanya ay nagawa niya pang tumawa. "Bailey gave me a nickname so I decided to give her a nickname too that only the both of us can use."

Naiiling akong napangiti sa sinabi niya. "You're really close to her, huh?"

A genuine smile popped up his face. "Super. We've been living under the same roof for almost a month now and it felt like home already. Hindi naman kasi mahirap makasundo si Lili."

Napangiti na rin ako ng maalala ko ang gabing magkasama kaming nagtatawanan at nag-aasaran sa mamihan. "Tama ka. Hindi siya mahirap pakisamahan." Nakangiti kong pagsang-ayon.

I glanced at Glen and the smile in my lips became a frown when I saw how he looked at me maniacally.

Tangina neto. Ano na namang kalokohan ang iniisip ng loko na 'to. Dedepensahan ko na sana 'yong sarili ko ng biglang tumunog ang phone niyang nasa bulsa niya pala.

Messed Up FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon