Chapter 35

14 2 0
                                    

Chapter 35
Home

LOUIS AARON

          TINUTULAK KO ANG wheelchair ni Max habang naglalakad ako papasok ng bahay nila. Na discharge na silang dalawa ni Almond ngayon dahil sabi ng Doctor ay wala na namang kakaiba sa kanilang dalawa at stable na sila para magpahinga sa kani-kanilang bahay.

"Sabi ko namang kahit isang buwan na kami doon ni Almond, eh!" Reklamo ni Max habang nagmamaktol na hinahampas ang armrest ng wheelchair niya.

Humalakhak ako saka bahagyang pinitik ang tenga niya. "Sus, ang sabihin mo gusto mo lang solohin si Almond!" Pang-aasar ko rito.

"Sino bang hindi gugustuhing solohin ang babaeng mahal mo na hindi mo nakasama ng walong taon?" Tanong nito ng nakatingala sa akin.

Tumungo ako upang matignan siya saka ito pinitik sa noo. "Gago, marami pang mga araw para magkasama ulit kayo ni Almond. Calm your tits. Magpagaling ka na rin para araw-araw mong mapuntahan si Almond sa bahay nila."

Nakabusangot nitong hinimas ang noo niyang pinitik ko. "Ang sabihin mo nasosolo mo kasi parati si Alli kaya ganyan ka sa akin magsalita! Alam mo lahat ng pinagdaanan ko, Lorenzo!" Pagdra-drama neto sa akin habang binubuhat ko siya paakyat sa kwarto niya.

"'Wag mo kaming idamay ng Purple ko sa pagdra-drama mo at saka oo alam ko ang mga pinagdaanan mo at kung gaano mo na miss si Almond pero kailangan nyo munang magpahingang dalawa. Magpagaling muna bago landi." Pangaral ko dito habang binubuksan ko ang doorknob ng pinto ng kwarto niya.

"Pero seryoso na tayo, Lorenzo. Ano ng meron sa inyo ni Alli?" Tinaas baba pa nito ang kanyang kilay habang binababa ko siya sa kanyang kama.

"Psh, bigat mo gago." Pabagsak akong humiga sa kama niya ng hindi sinasagot ang tanong niya.

"Hoy, 'wag mong ibahin 'yong usapan!" Sigaw nito at binato pa talaga ako ng unan.

Nilingon ko siya habang inunanan ang unan na binato niya sa'kin. "Ano ba kasi 'yon?" Nagmamaang-maangan akong ngumiti.

Humalukipkip siya saka nakakaloko akong nginisian. "Ganyan ba talaga kapag torpe?"

Sinamaan ko siya ng tingin ng maalala kong ako ang unang nagtanong sa kanya nun noong nagkagusto siya kay Bailey. "Gago." Singhal ko ng bigla akong napikon.

"Oh? Bakit ka naman nagagalit 'dyan?" Tawa nito.

Napabuntong hininga ako saka umupo upang makaharap siya. "Saavedra, wala ka na namang gusto kay Bailey diba?"

Para naman itong nabilaukan sa sarili niyang laway dahil sa tinanong ko saka natatawang hinampas ang dibdib niya. "Gago ka ba talaga? Malamang wala na! Alam mo naman kung gaano ako ka baliw kay Almond." Ngumiti ito ng banggitin niya ang pangalan ni Almond.

Napangisi ako. "Whipped."

"Ikaw din naman!" Halakhak nito.

Tumango ako habang tinutukod ko ang kamay ko patalikod saka tumingala sa kisame ng kwarto niya. "Maybe I really am whipped from the very beginning when I first hanged out with Bailey." Ngiti ko habang inaalala ko ang araw na iyon.

Akala ko noong una ay gusto ko lang siyang iligtas ngunit hindi ko nahalatang unti unti na pala akong nahuhulog sa kanya. Sa bawat sandali na kasama ko siya ay para kong nakakalimutan ang nangyayari sa paligid ko.

She's my breath of fresh air. Kapag kasama ko siya wala akong ibang nararamdaman kundi kasiyahan sa mga ngiti at tawa niya. I never adored other girls like how I adore her.

Hindi ko lang siguro pinagtuonan ng pansin ang nararamdaman kong iyon noon dahil nga nagustuhan siya ni Max. We have our bro code and it has always been bros before hoes. Kaya ang sarap lang sa pakiramdam na malaman na hindi naman pala ganoon kalalim ang naramdaman ni Max para kay Bailey noon.

Messed Up FeelingsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt