Chapter 12

17 2 0
                                    

Chapter 12
Why she left

LOUIS AARON

          "OH, DITO KA naman makikitulog NPA?" Bungad sa akin ni Glen ng makapasok ako sa kwarto niya.

Hindi ko siya pinansin at dere-deretso lang akong naglakad patungo sa kama niya. Pabagsak akong humiga roon at natulala sa kisame.

"Huy, anong problema mo?" Muli niyang tanong at tumabi sa akin dito sa kanyang kama.

"Tumawag siya sa'kin kanina." I said blankly.

Narinig ko siyang suminghap at ramdam ko ang tingin niya sa'kin. "Si Tito Adam?"

"He was my hero back then but he turned out to be the villain in my story." Mapait kong bulalas.

Suminghap lamang si Glen sa tabi ko. Alam kong wala na siyang ibang masabi dahil ganito naman talaga siya tuwing nakikita akong ganito.

Wasak at punong puno ng galit ang puso ko. Gumaan na kanina 'yong pakiramdam ko nung kasama ko si Bailey, eh. Hindi ko inasahan na magkakasundo kami agad. Akala ko mahihirapan akong pakisamahan siya dahil magkaiba ang ugali naming dalawa pero nagkamali ako. Dahil sobrang dami naming pagkakaparehas.

At kahit hindi pa niya sinasabi sa'kin ramdam kong magkaparehas din kami ng pinagdadaanan. Na parehas lang 'yong sakit na dinanas namin. At ang sarap sa pakiramdam na may nakilala na kong hindi ko kailangang iexplain ang pinagdaanan ko dahil pinagdaanan niya na rin ito.

'Yong pakiramdam na hindi ka lang nag-iisa sa laban na ito dahil may isang tao ring lumalaban kasama mo. Okay na lahat eh kaso nagparamdam pa siya. Naharap ko na 'yong mamihan na iyon na naglalaman ng masasaya but at the same time masasakit na alaalang meron ang pamilya namin.

Akala ko kaya ko na pero noong tumawag siya tangina bumalik lahat ng sakit.

Siya 'yong taong tinitingala ko. Siya 'yong taong iniidolo ko. Gusto kong lumaki katulad niya noong bata pa ako pero ngayon pinagsisisihan ko ng hiniling ko pa iyon. Kung hindi dahil sa kanya ay masaya pa rin kami ngayon. Kung hindi lang nagpatukso si Dad sa isa sa mga nurse niya edi sana buo pa rin ang tiwala sa kanya ni Mom.

"Kuya Glen, Kuya Louis." Gwen called snapping me out of my reverie.

Halos sabay kaming bumangon mula sa pagkakahiga ni Glen. Nakangiti naming sinalubong ang nakababatang kapatid niya na nakasilip sa pinto.

"Hey, masamang manilip magkakakuliti ka nyan bukas." Nakangiting pananakot ni Glen dito.

Kaya agad namang tumakbo palapit sa amin si Gwen. We chuckled when she ran up the bed and hid under the blanket.

"Hey, your kupal kuya is just joking." I said as I lightly patted her back.

Naramdaman kong babatukan ako ni Glen kaya mabilis akong dumapa para hindi ito tumama sa batok ko. Nagtagumpay naman ako at muntik pang masubsob sa pwet ko ang gago.

"Fuck your ass! Ang baho!" Reklamo niya at tinulak niya pa talaga ang pwet ko.

Inabot ko naman ang unan niya at hinampas iyon sa mukha niya. Sapul na sapul iyon sa mukha niya kaya humalakhak ako ng malakas at maski si Gwen ay humagikhik na rin dahil nakatingin na pala siya sa amin.

"Ang bango bango kaya ng pwet ko!" I said proudly.

Mas lalo akong natawa ng makita kong namumula na ang mukha ni Glen at binato sa'kin pabalik ang unan niya. Buti na lang mabilis akong nakaalis sa kama niya at nakailag.

"Humanda ka sa'kin, Lorenzo!" Galit na sigaw ni Glen at hinabol ako.

Tumakbo naman ako palabas ng kwarto niya at nagmamadaling bumaba sa hagdan. Paminsan minsan ko pa siyang nililingon sa likod ko para malaman kung malapit na ba siya sa'kin.

Messed Up FeelingsWhere stories live. Discover now