Chapter 7

17 1 0
                                    

Chapter 7
Ipis

BAILEY ALLISON

"SO, IKAW PALA 'yong anak ni Tita Gigi." Pagbasag ni Raine sa katahimikan na kanina pang nakapaligid saming tatlo.

Nasa hapag kainin na kaming tatlo. Magkatabi kami ni Raine samantalang kaharap naman namin si Glen na ganadong ganado sa pagkain. Gusto kong ngumiti dahil nakyu-kyutan ako sa kanya. Pero ginagawa ko ang lahat para hindi iyon kumawala.

Ang weird naman kasi kapag may nakita kang nakangiti sa'yo habang kumakain.

Nag-angat ng tingin kay Raine si Glen. Sa kabila ng malamig niyang ekspresyon ay pinigilan kong bumungisngis ng makita kong may kanin na nakadikit sa gilid ng labi niya.

Hindi halatang gutom siya ha.

"Yes." Malamig niyang tugon at muling tinuon ang pansin sa kanyang pagkain.

Nakita kong tumaas ang isang kilay ni Raine. "Bakit hindi kita nakikita tuwing bumibisita kami ni Mom sa bahay nyo nung bata pa tayo?"

Nagkibit balikat lamang si Glen at muling kumuha ng kainin at ulam.

Ramdam kong na iirita na si Raine sa inaakto ni Glen kaya inabot ko ang kamay niya. I smiled at her when she titled her head towards me. "Hayaan mo na lang munang kumain si Glen, Rainy. Mukhang gutom talaga siya, eh."

Bumuga lamang siya ng hininga at na iiritang pinagpatuloy ang pagkain.

Napailing na lang ako sa inakto ni Raine. She may act childish and sweet but that only happens when she's with me. Kapag may iba na kaming kasama biglang nasasapian ng kaseryosohan 'tong si Raine. Na hindi ko alam kung saan nang gagaling.

Kaya nai-intimidate saming dalawa ang mga kaklase at schoolmates namin. Walang ibang naglalakas loob na lapitan kami dahil alam nilang hindi kami ganun ka open sa iba. Para kasi samin hindi na namin kailangan ng bagong kaibigan. We already have the both of us and that's enough.

Magsisimula na sana akong magligpit ng kinainan naming tatlo ng bigla akong inunahan ni Glen.

Gulat akong nag-angat ng tingin sa kanya ngunit walang emosyon niya kong tinignan.

"Ako na." He said blankly as he started to stack the plates up.

I was still stunned, good thing I was still able to nod lightly and walk towards the living room.

Hindi pa rin ako makapaniwalang ganun siya ka cold pero may gentleman gestures pa rin siya. Ibang iba sa Glen na mapang-asar nung nasa gilid kami ng cafeteria ni Raine.

They really are a big mystery to solve.

Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko na namang hawak ni Raine ang baseball bat at muntik pa kong mahampas! Buti na lang mabilis niya kong na recognize at napigilan niya agad ang sarili.

"May balak ka bang basagin noo ko, Raine?" Gulat kong bulalas.

Wengya, kinabahan ako doon! Kung nagkataon na nahampas niya ko magmimistulang palayok 'yong ulo ko sa hampas palayok!

Agad niya naman na bitawan ang hawak niyang baseball bat at niyakap ako ng mahigpit. "Oh my gosh, Bai! I'm sorry! Hindi naman para sa'yo 'yon, eh!" Nag-aalala niyang sambit.

Bumuntong hininga ako para pakalmahin ko ang naninikip kong dibdib dahil sa gulat. Nang maramdaman kong hindi na gaanong naninikip iyon ay mabilis kong hinila si Raine patungo sa labas ng bahay. Tumigil ako sa balcony at hinarap ko siya.

"Raine." I held her shoulders. "May balak ka bang patayin si Glen?"

Ngumuso siya at marahang umiling. "Hindi naman."

Messed Up FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon