Caeleste|15

92 7 9
                                    

C A P I T U L U M   Q U I N D E C I M

Naalimpungatan ako mula sa pagkakatulog. Bukod sa mabigat ang pakiramdam ng katawan  ko, masakit din ang ulo ko. Napalingon ako sa gilid na bahagi ng kama ng may gumalaw don.

"Cali."

"Arem."

Ngumiti ng tipid si Arem bago tinanong kung ano ang nararamdaman ko. "Masama." maiksi kong ani.

Tumango naman ito bago mas lumapit para kapain ang noo ko. Arem's touch felt warm and good. Bukod sa magaan nitong paglapat gamit ang likod ng palad sa noo ko, hindi mapagkakailang masarap din sa pakiramdam.

"There's no fever, good. I'll just go get pain reliever," paalam nito bago ngumiti muli. I stared for a moment at his smiling face before nodding my head.

Mabilis din naman itong nakabalik bago inabot sa'kin ang nakuha niyang painreliever. Inabutan din ako nito ng tubig na siyang ipinagpasalamat ko bago inumin kasama ng gamot.

"Nakita mo ba si Weng?."

Katulad ng biglaang pagbanggit ko sa pangalan ni Weng, ay ganon din kabilis na nasink in ang mga nangyari. Hindi ko alam kung kelan ako magiging ready na tanggapin ang lahat ng ito, kasi aminin ko man o hindi, mahirap idigest ang lahat ng nalaman ko.

Hindi ganon kadali. Everything seems so unreal, but I couldn't deny the fact that it happened. Nangyari ito at nakita ng dalawang mata ko ang buong kaganapan.

"She'll be back. May inasikaso lang." I nodded at Arem bago napagpasyahang pumikit. Hindi ko alam kung ilang oras akong walang kibo habang pinapakiramdaman ang paligid ng marinig ko ang mga papalapit na yabag sa pwesto ko.

Naramdaman ko ang pagkapit ng isang kamay sa pulso ko bago ko narinig ang boses ni Weng. "How are you feeling?." tanong nito pagkamulat ko.

Masama yun sana ang gusto ko sabihin kay Weng, katulad ng isinaad ko kay Arem pero ayokong dagdagan ang nakikita kong pagkaguilty sa mukha ni niya. Nginitian ko nalamang ito ng tipid bago kinapitan din ang kanyang kamay.

Tumikhim ito saglit bago bumaling sa kasama niyang lalaki. "Cali this is Euclae."

Binalingan ko ang lalaking may berdeng mga mata na kanina pa nakatayo sa likod ni Weng. Tinanguan ako nito bilang pagbati bago muling tumingin sa gawi ni Weng.

"I know this is hard for you but you gotta trust me okay?."

Huminga ako ng malalim bago ngumiti dito. I know she's just looking out for me. And I know she's worried, ramdam ko iyon na ipinagpasalamat ko ng lubos.

"Euclae is a power bearer and I ask him to help you."

"Naalala mo nung nasugatan ka?" tango lang ang isinagot ko dito. Pano ko ba malilimutan ang nakakatakot na pangyayaring iyon.

"The sins had gone crazy. I know nalilito ka pa but I'll tell you everything later okay? The only thing you should know now is that they are attracted to your blood and this is the only solution we could think of." tumingin saglit si Weng kay Arem bago muling bumaling sakin.

"Euclae here is a concealer. He wields the magic of concealment. And if he had been at the Ad'Cs table this wouldn't have happened." pagpaparinig ni Weng.

Tinaliman ito ng tingin ng nagngangalang Euclae. "Now its my fault. Great," sarcastic remark pabalik nito.

Magbabangayan pa sana ang dalawa kung hindi lang tumikhim si Arem bago nagsalita. "Focus,"

Caeleste Academia: The Devil's WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon