Caeleste|12

87 6 9
                                    

C A P I T U L U M   D U O D E C I M

"The Druid." basa ko librong hawak ni Weng. Lumingon lamang ito saglit bago iminuwestra na babalik siya sa lamesa. Tumango nalamang ako dito bago dumaretso sa hanay ng libro.

Katulad ng ibang impression ko sa hinaba-haba ng pamamalagi ko sa loob ng Caeleste ay napatunayan kong kahit saan ka pumunta ay napakaganda ng pagkakadesinyo ng bawat bahagi ng paaralan.

The library looks antic and smells like old books, sweet and somewhat musky that wafts into a book-lovers nose and lingers. Ang mga libro ay nakalagay sa bookshelves na sakop ang nagtataasang pader ng library. Mayroong munting stairway paakyat sa second floor kung saan mas maraming libro ang nakalagay sa hile-hilerang bookshelves.

Luminga linga ako at naghanap ng magandang mababasa. Ngunit wala dito ang nakapukaw ng atensyon 'ko. Naglakad nalang ako patungo sa dulong bahagi ng second floor ng makita ko ang pamilyar na mukha ng babaeng naglalakad sa una.

"Raven?." bulong 'ko. Medyo malayo ang agwat nito sa'kin kaya't napansin ko ang paglinga-linga nito sa paligid. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kokote ko pero sinundan ko ito.

This feels bad..

Napalunok ako ng makita ko na pumasok ito sa loob ng isang restricted area sa library. Binalaan na ako ni Weng kanina dito. Mapaparusahan daw kung sino man ang pumasok dito. Thick chain were hanging on the doorframe to prevent people from going in. Sa baba nito ay may malaking sign na restricted area.

Katulad ng ginawa ni Raven ay sumuot lamang ako sa espasyo sa baba mula sa kadena na nakaharang. Kinakabahan ako pero hindi ko alam kung bakit pumasok pa 'din ako. Kahit pa ba paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip ko na mali ito. Mali talaga.

Tahimik akong pumunta sa bandang kaliwa upang magtago sa mga bookshelves. Ang hindi ko lang napaghandaan ay ng biglang lumingon si Raven na nasa kabilang bahagi 'din. Napaatras ako sa pagkataranta kaya hindi ko napansin ang tumpok na libro sa likod ko. Nawalan ako ng balanse at bumagsak sa sahig. Nagkalat ang mga libro at nagkaroon ng munting komosyon. Napapikit nalang ako dahil panigurado alam na niya na nandito 'din ako.

"Here." napaangat ako ng tingin mula sa kamay na nakalahad sa harap ko. Dumapo ang paningin ko sa may-ari nito. Katulad ng huling beses na nakita ko ito. Itim na itim pa 'rin ang mahabang buhok niya samantala may pagkamataray pa 'rin ang magandang mukha nito. Nakangiwing tinanggap ko ang kamay ni Raven bago tumayo. Pinagpag ko ang damit ko bago nilingon ito.

"Sorry."

"Take this with you. Read it." aniya. May inabot ito sakin bago tipid na ngumiti. Inabot ko nalang ang librong kawak nito. Magsasalita pa sana ako para itanong kung ano gagawin ko sa libro pero dumaretso na ito papunta palabas. Lumingon ito saglit sa'kin bago iwinagayway ang kapit rin nitong libro.

"Shhh." saka inilagay ang hintuturo sa labi na animoy pinapatahimik ako.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatitig sa pinaglabasang lagusan ni Raven bago dali-daling lumabas din. Kabado akong nagpalinga linga sa paligid kung may tao ba bago dumaretso sa lamesang inuokupa ni Weng.

"Tagal mo. Ano 'yan?." turo nito sa kapit ko.

"Um hindi ko alam." sagot ko. Inabot ko ang librong hawak ko ng hingin niya ito para tingnan ang title pero agad 'din ni Weng na binitawan ang kapit na parang napaso.

"San mo nakuha 'to?." kabadong tanong ni Weng. Alanganin akong tumingin dito bago sumagot.

"Um sa restricted area?." ngiwi kong ani.

Lumingon kami ng marinig namin ang mga yabag ng tao. Sa una ay naglalakad ang Deputy Headmaster kasama ang ibang faculty members. Suminghap si Weng bago natatarantang hiningi ang bag ko.

Caeleste Academia: The Devil's WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon