Caeleste|10

98 7 1
                                    

C A P I T U L U M   D E C E M

Jimin had skip the part of touring us. Baka sa ibang araw nalang daw o kaya magexplore nalang kami. Bukod kasi sa basang basa 'din ang lahat ay ramdam 'din namin ang pagod. Inihatid lang kami nito sa magiging permanant na kwarto namin for the rest of the school year.

Hindi 'ko na nabigyan ng atensyon 'yung details ng kwarto ko dahil agad akong dumaretso sa bathroom para makapaglinis ng katawan. Pagkatapos ay humilata kaagad ako sa kama, hindi 'ko na namalayang nakatulog na 'ko.

Kinabukasan ay nagising ako sa alarm bago sinundan ng announcement. "Get your lazy asses off the bed people! Familia Capra must all gather at the dining room downstairs before 8 or else I will be evicting those who won't come."

Nabosesan 'ko 'yung nagsalita. Natatawa ako dahil narinig 'ko pa sa background 'yung boses ni Jimin. Panigurado nag-aaway na naman 'yung dalawa.

Before I went out of my room tinapos 'ko muna ang morning rituals 'ko. Paglabas 'ko ng pinto ay nakita 'ko si Milen na kalalabas lang 'din sa room niya.

"Morning." anito. Nag-unat unat pa ito bago humikab. Lumapit ito sa'kin bago ako hinila pababa. Napapangiti ako dahil kakaiba talaga sila, kasi sa dati 'kong univ iwas ang lahat dahil sa naiiba ang itsura 'ko, pero dito sobrang welcome kaagad.

Ang hindi lang siguro maalis ay ang paminsan-minsang tingin at titig ng iba sa mukha 'ko.

"Pwede bang hindi na sumabay?." tanong ko. May usapan 'nga pala kami ni Weng na magco-coffee sa Nirvana.

"Hindi pwede Cali. Every first day of school ay tradition na ng Capra na kumain ng sabay sabay for breakfast. " aniya. Napatango ako dito bago sumuko. Nakasalubong pa namin sina Inggrid at Jimin na nagbabangayan na naman.

"Agang-aga lovers quarrels agad?." kantyaw ni Arem na naglalakad 'din palapit sa'min.

"Yuck kadiri. Lover kay Inggrid pwe." nag-anyong nasusuka pa si Jimin bago siya sinapak ni Inggrid na namumula na sa inis.

"Aray puta. Inggrid 'yung ulo 'ko naman." dagdag pa nito. Naglanding ulit dito 'yung sapak ni Inggrid na halatang nanggigil na. Ang cute nga ni Jimin kasi singkit 'yung mata niya tapos wala ng nakikita kapag tumatawa.

"I freaking hate you Park! You prick asshole moron stupid!." sigaw nito. Nang makuntento ay lumapit na ito sa'kin bago ako dinamba ng yakap sa braso.

"Goodmorning Cali! How was your sleep?." tanong nito.

"Um okay lang. Sobrang peaceful ng kulay ng buong interior ng lugar pati sa kwarto 'ko kaya feeling 'ko magaan 'yung pakiramdam 'ko." honest 'kong ani.

"I know right. Although black and gold are elegant but blue never fades from its spot. The most alluring color for us Capra." saad ni Inggrid. Kumapit na 'din si Milen sa kabilang braso 'ko.

"True." gagad ni Milen bago kami naglakad tatlo papasok sa kitchen.

Unang bumungas sa'min ang mga co-student namin sa Capra na nakatayo. Punong puno ang loob ng kitchen. Although malaki 'yung kitchen pero dahil sa dami namin parang lumiit tingnan.

Lumapit kami sa dining table ni Inggrid. Natatabunan ng dahon ng saging ang dining table, tapos sa taas nito ay puro pagkain. Isang hilerang kanini at iba't ibang ulam na maayos ang pagkakadisenyo.

Napangiti ako dahil ngayon lang ako makakaranas na magbo-boodle fight.

"Everyone gather around." sigaw ni Arem. Katulad kagabi ay narinig ko ang squeal at giggles ng mga babae. Even with bed hair Arem was undeniably charming. Iniwas 'ko nalang ang tingin dito. Napag-alaman kong siya ang in charge kapag wala 'yung head commander ng Capra.

"Today, we celebrate our first morning as family. May this be the start of a beautiful bond between everyone. Magkaroon ng tibay sa pagsasama nating bilang isang pamilya. Pamilya Capra. Sugod at kumain!" pasuntok na itinaas ni Arem ang kamay na parang nagrarally.

Natawa ako ng mahina dahil kaagad sumugod si Arem pagkatapos magsalita. Ang ginawa namin ay nakatagilid kaming lahat bago nakatayo palibot sa lamesa para lahat ay makakuha. Tapos nagtitake turns kami ng pwesto para makakuha ng pagkain, dahil meron 'din student na nakatayo sa likod.

'Yung ibang naman ay nasa breakfast nook na napag alamanan 'kong may pagkain 'din. Kahit siksikan ay masaya kaming nagsalo-salo ng umagahan sa loob ng kusina.

"So full." ani ni Inggrid matapos naming kumain.

"Do you know your schedule?." biglang tanong nito. Wala naman akong maisagot kasi hindi 'ko 'rin alam kung saan ba nakakakuha ng schedule.

"Um hindi. Saan 'ko ba malalaman?." tanong 'ko dito.

"You mean, you don't know?." pagkaklaro nito. Nakakunot 'yung noo niya na parang sobrang laki ng kasalanan 'ko.

"Um hindi talaga."

"Milen! Come over here, quick." tawag ni Inggrid kay Milen. Lumapit naman ang huli bago nagtatanong na tumingin dito.

"Calista doesn't know how to view her schedule. Teach her will you. I've got classes next so I'm gonna be busy." sabi ni Inggrid. Ngunit agad 'ding umiling si Milen.

"Hindi 'din ako pwede Inggrid. May sunod pa 'rin akong klase. Hindi pa 'nga ako naliligo. What about jimin?" tanong ni Milen.

"O for the love of Gods no. Not that annoying perverted moron."

Napalingon kami ng biglang dumating si Jimin.

"Hey that's foul. Bawal manira sa kapwa Inggrid sungit." agad nakatanggap ng sapak si Jimin kay Inggrid.

"Aray nakakarami ka na." pikong ani nito. Parang gusto 'ko tuloy pisilin 'yung cheeks ni Jimin kasi kahit napipikon ang cute pa 'rin niya.

"You'll get many punches from me if you don't stop teasing, you moron!." nanlilisik na ang mata na sabi ni Inggrid.

"First I'm not a moron, Second bakit 'ka 'ba galit na galit. Third I'm actually too handsome that your just jealous cause I ain't dating you." feeling 'ko nagkaroon ng black aura sa paligid ni Inggrid tapos parang may killing intent sa mga mata nito.

"You freaking dog I'm gonna kill you!." biglang tumakbo si Jimin ng mabilis kaya't hinabol ito ni Inggrid. Naririnig 'ko yung sigaw ni Jimin na papalayo na sa pwesto namin. "Murder! Murder!."

"Nag away na naman 'yung dalawa?." tanong ni Arem na kalalapit lang. Napatingin ito saglit sa mukha ko bago nag-iwas ng tingin.

"Parang hindi ka naman sanay. O wait are you busy?." tanong ni Milen dito. First day of classes kasi ngayon kaya lahat ay busy na.

"No. Mamayang 11 pa 'yung schedule 'ko." ani ni Arem. Biglang lumiwanag 'yung itsura ni Milen na parang nakaisip ng idea.

"O ayan dahil free ka. Ikaw magturo kay Cali kung paano maview 'yung schedule. Baka kasi may klase na 'yan hindi pa alam."

"Sure." sagot ni Arem.

"Good kasi you're the only decent guy I know. Kapag kay Jimin wala kang maasahan. Cali will be bombarded with pick up lines and flirting enuendo." pahayag ni Milen na parang napapangiwi pa sa huling sinabi.

"That's kind of true." sabi ni Arem bago natawa ng konti. Nagpaalam naman na si Milen na maliligo bago kami iniwanan ni Arem.

Pagkaalis ni Milen ay tumingin ng daretso si Arem sa'kin bago ngumiti. Ngayon alam 'ko na kung bakit kahapon nagkakagulo sila kay Arem.

It's because whenever he smiles, everything feels slowmo.

Caeleste Academia: The Devil's WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon