Caeleste|11

96 8 5
                                    

C A P I T U L U M   U N D E C I M

Kasalukuyan akong nasa labas ng registrar. Kanina kasi nung nasa library ako ng Capra, pagkatapos turuan ni Arem na magcheck ng sched using IC ay pinayuhan ako nitong iprint nalang dahil sobrang dami ng subjects ang nakalagay 'don. Hindi ko naman kayang sauluhin lahat ng isang biglaan. Magpriprint sana kami ng complete schedule ko kaya lang nasaktuhan na nasira 'yung printer. Kaya no choice ako kundi pumunta sa registrar para makahingi ng print out.

"Let me see that." aniya. Binigay ko kay Weng 'yung sched ko. Luckily nagkasalubungan kami ni Weng sa hallway, parehas ang tinatahak namin na daan, ang papunta sa Downtown. Akala ko kasi naghintay siya sakin sa Nirvana vice versa naman sa kanya, akala niya naghihintay 'din ako dun.

Buti nalang pala may breakfast ritual ang Capra kasi hindi 'din nakaalis si Weng nung 8am dahil sa ate niya. "Worried talaga ako kanina na baka naghintay ka ng matagal."

Inilingan ko si Weng. "Ako 'din. Baka naghintay ka 'din. Hindi naman ako makaalis kasi parang may morning ritual ang Capra tuwing first day of classes."

"Thank Gods for that. I was thinking of ways on how to apologize to you. Naiisip ko palang na hinintay mo 'ko and nalipasan ka ng gutom, nakokonsensya na 'ko." ngumuso ito bago muling bumaling sa'kin.

"Especially your case. Ang hinhin mo pa naman. Possible scenarios were running in my head like pano kung mas huminhin ka." dagdag nito.

Pilit ko namang diniminish 'yung idea na mahinhin nga ako. Ginaya pa 'ko nito pero inilingan ko nalang si Weng dahil sobrang bagal nung way niya magsalita, although graceful naman pero feeling ko hindi naman ako ganon.

"Hindi naman kaya."

'Anong hindi naman. The way you move and talk. Kahit naiinis or nagagalit. Sobrang himoy parang hindi makabasag pinggan. Minsan 'nga pagnaiinis ka na, gusto kong tumawa kasi bukod sa namumula ka, hindi 'din halata na galit ka kapag nagsasalita." sabi nito.

"I am not. Normal lang kaya 'yung bilis ng pananalita at kilos ko." pagpupumulit ko dito.

Nginisian lang ako nito bago pasingsong na sumagot. "If you say so."

Naglakad kami ni Weng papunta sa klase namin. Gusto ko pa sanang ipursue 'yung topic kasi feeling ko hindi pa 'rin naman siya naniniwala pero naggive up nalang 'din ako for the sake of ending the topic.

"Fortunately some of your subject are same as mine. May mga ibang subjects lang na magkaiba tayo." wika ni Weng. Ibinigay nito pabalik ang sched sa'kin bago kami nagtungo sa first subject ngayon umaga.

Pagkadating namin ay kalahati na ang occuppied sa mga bangko sa loob ng classroom. GS o General Subject ang ituturo ngayon ng maassign na professor samin. Nabriefing naman ako ni Weng na kakaiba ang subjects distribution sa Caeleste. Bukod daw sa G.S., general subject, meron ding A.S., alligned subject at C.S., core subject. Medyo nalilito 'nga lang ako kasi sobrang dami naman ata.

Ilang minuto 'din kami ni Weng na nakaupo sa seat na malapit sa may window side ng dumating ang professor namin for G.S.

"Goodmorning students. I am Professor Alimen Hectorini and I will be your G.S. professor this semester. For those who don't know Caeleste's Academic System, I will be teaching all your General Subject: Mathematics, World Wide History, Science and Technology, and English Profiency." anito bago inilibot sa buong student, na nasa loob ng klase ang paningin.

"Unlike your GE from other colleges, our GS are summarization and advance learning of these subjects. All there is to know about GS."

Mula sa kabilang row ay may nagtaas ng kamay na agad namang pinaunlakan ni Sir Alimen. "Yes?."

"Hindi po ba parang highschool 'yung mga subject na ito and basically I believe hindi kami freshmen kundi transferees and to think na pare-parehas kaming isang taon nalang ang igugugol para makagraduate kaya bakit may ganito pa pong subjects na kailangan?." tanong nito. Pagkatapos ay bumalik muli ito sa pagkakaupo. Napaisip 'din ako sa sinabi nito. Currently fourth year college na ako, late ako ng isang taon kaya nagkataong sabay kami ni Weng dahil fifth year na ito. Nakakapagtaka lang na mayroon kaming minor na dapat ay puro major na lahat.

"Very well said. As for your concern, Caeleste's Academic System endulge students into making them a thousand steps ahead from other college's students. GS subjects are highly encourage to be taught and learned thoroughly. It may raise question like, bakit kailangan pa nyan? Aren't we done with highschool subject?. Always see to it to never compare Caeleste. Caeleste's students are honed to perfection academically. Unlike the others our G.S. are advance and will be of use in any given situation encountered." lintanya ni Sir Alimen. Lahat kami ay tutok na tutok dito habang nagsasalita. Kapag kasi nagsasalita ito ay puro conviction at talagang mapapahanga ka na lamang.

"There is no ignorant Calestians that have ever set foot to being one from the long rows of straight ace Caelestian graduates recorded in history. So don't be that one." anito bago kami dinismiss pagkatapos. Binigyan lang kami ni Sir Alimen ng syllables para sa buong semester.

"Well I can't argue with Professor Alimen. May ilang naglie low dahil ayaw sa exposure pero halos lahat ng high profiled person sa society ay galing sa Caeléste." sabi ni Weng habang naglalakad. Papunta kami ni Weng sa Library ng Caeleste para magpalipas ng oras. Medyo mahaba pa 'rin kasi ang oras na natitira sa subject ni Sir Alimen.

"Um sino-sino ba 'yung mga grumaduate sa Academy?." tanong ko dito. Curious na 'din kasi ako dahil ang alam ko sa mga student ng Caeleste ay anak ng mga prominenteng tao.

"Frew Austinbur. Ring a bell?." agad nanlaki 'yung mata 'ko.

"Totoo?!."

"U-huh." hindi ko mapigilang mapakapit sa kamay nito. Hindi pa 'rin ako makapaniwala. The sudden mention of his name gave me an ecstatic feeling.

"The greatest inventor ever?" 'di makapaniwalang ani ko dito. Frew Austenbur was literally known as the greatest mind of all time. He was a believer and a dreamer towards a brighter and innovative future. He created tons of new inventions that had given the society a new era of technology.

"Alais Genofre. Duke Tryde. Helsa Alvelm. Mose Huntrus. Ataland Diocesse. Famous inventors, lawyers, scientists, architects, doctors, some high profiled government officials etc etc name it." malaki ang ngiti at proud na proud na sabi ni Weng.

"Wow." sobrang speechless talaga ako. Mindblown sa lahat ng nalaman ko ngayong araw. Although I knew from the start that Caeleste was a prestigious school at mga anak ng prominenteng tao ang pumapasok dito, still the shock was there. Kakaibang saya ang nararamdaman ko, who would have thought that I'll be graduating in the same school as the great Frew himself.

"Pero why keep it a secret? Lalo na sa naachieve ng Academy. Everything about Caeleste should be recognize by the whole world." I said. Sigurado marami pa ang matutulungan ng Caeleste na maging ganon kaevident sa iba't ibang larangan. Hindi 'ko lang alam kung bakit kailangan magtago ng Caeleste. It was like it never really exist in the first place.

Tumigil si Weng sa paglalakad ng mapansing nasa bukana na kami ng pinto ng library. Ngumiti ito saglit bago nagsalita.

"Cali, it was never an option to disclose Caeleste in public, soon you'll be able to understand."

Caeleste Academia: The Devil's WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon