Halo, ii

25 10 1
                                    

She

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

She

Rust flooded my taste bud, but the familiar taste made me calm. It reminded me of the rain and falling.

Opening my eyes as I grasp what I am doing, made me break free from drinking from Davien. Shit.

Davien looked so intoxicated by our contact, but the second I felt another presence coming our way ay bigla akong hinagkan ni Davien. He protectively held me as I hold my breath with anticipation.

"Fuck pare, hold on to her. Dad is coming." Marv warned Davien, hindi na sumagot si Davien at ipinasok na lamang ako sa loob ng silid kung saan mas malapit sa bintana. Natatakot kong tignan ang dugong dumadaloy sa leeg ni Davien, hindi pa rin ito tumigil sa pag-agos at mukhang hindi lamang iyon ang kagat na mayroon siya.

Mable ironed her shirt as if nalukot ito, I could feel the tense air in this room. Naka-abang ang tatlo sa labas ng pinto. Ngumiti sa akin si Mable ng isinara niya ang pinto para salubungin ang paparating na Dad.

Hinawakan ko ang kinagat ko sa leeg ni Davien, napangiwi ito ng dumapo ang aking daliri sa sariwa pa niyang sugat. Naglabas si Davien ng panyo mula sa kanyang bulsa at pinunasan ang dugo na kumalat sa kanyang leeg. Napakagat na lamang ako ng labi habang pinapanood ko siya, sabay rin noon ay ang pag-tigil ng mga yabag malapit sa aming kwarto.

Hindi ko marinig ang kanilang pinag-uusapan, pero rinig ko ang tinig ni Mable at Marv habang kausap ang isa pang hindi ko kilalang boses. Humigpit ang hawak sa akin ni Davien nang matapos niyang punasan ang bakas ng dugo sa kanyang balat.

"I'm sorry." Usal ni Davien, naguguluhan ko itong tinignan. Bakit?

Napa-awang ang aking labi ng malakas na bumukas ang pintuan ng silid. Isang matandang lalake ang aking nakita, balbas sarado ito at walang mabasang emosyon sa kanyang mata. Hindi ako nakaramdam ng takot ng ako'y tinignan niya, mas ramdam ko ang pagkaginhawa ng kanyang loob ng mag-tama ang aming mata.

"Headmaster."

Maingat na usal ni Davien sa aking tabi.

Tumango ang sinasabing headmaster ni Davien at itinuon ang atensyon muli sa akin.

Lumuhod ang headmaster sa aking harapan, tulad ng ginawa ni Marv kanina ng una ko siyang makilala. Naguguluhan ko itong tinignan, inangat ng headmaster ang kanyang ulo at nagtama ang aming paningin. Ang intensidad ng kanyang tingin ay nakakapangilabot, bakit luluhod ang headmaster para sa akin?

Yumuko ito muli bago tumayo ang headmaster, tahimik ang lahat ng nakasaksi sa ginawa ng headmaster.

"Dad..." Tawag ni Mable sa headmaster. Hindi naman siya pinansin ng headmaster at patuloy parin na nakatingin sa akin, tila kinakabisado ang buo kong katauhan.

"Maari ka bang paanyayahan sa aking opisina binibini?" Usal ng headmaster.

Humigpit ang hawak ni Davien sa akin, naptingin ako sa kanyang gawi. Halos umakyat lahat ng dugo sa aking mukha.

Napakalapit ng mukha niya sa akin!

At hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko ang maganda niyang mukha. Parang may mga kumikislap sa paligid niya na hindi ko magawang ilayo ang aking paningin.

Lumuwag ang pagkakahawak sa akin ni Davien at, marahan akong itinualak papalapit sa headmaster. I guess, I have to go with him?

Marahan akong tumango sa headmaster at hinintay akong makalapit sa kanya bago ito nagsimulang naglakad papunta sa sinasabi niyang opisina.

Bago ako makalampas kay Mable ay hinawakan nito ang aking kamay, "We'll be there, don't worry babe." She offered me a small smile, which I returned to her.

Hindi ko nga alam kung saan ako dadalhin, at bakit ako dadalhin roon. Kaya laking pasasalamat ko talaga sa sinabi ni Mable, atleast I have someone to count on.

"Maupo ka binibini." The headmaster politely guided me sa isang upuan sa kanyang silid. Taimtim kong sinuri ang kanyang opisina. Bakas ang pader ng kastilyo sa isang bahagi ng kastilyong ito at kita mo ang malawak na lupain sa kanyang bintana.

Napakaraming palamuti sa kanyang opsina na mukhang antigo na.

Umupo ang headmaster sa katapat ng aking inuupuan.

"The kids are expecting me to punish you, dahil isang malaking sala ang pag-inom sa isang pureblood."

"Pureblood?" tanong ko.

"Ang pinakamataas na uri ng bampira," kaswal na sagot nito.

"But, I don't have the heart to do this to an amnesiac girl," dagdag ng headmaster.

"You have to stay here, and that's how you'll serve the punishment, but let my kids step in to help you out." Mapilyong ngumiti ang headmaster ng banggitin niya ang mga anak niya, tila ba nagugustuhan niya ang ideya na makipag-areglo ang kanyang mga anak para sa isang pabor.

Naguguluhan akong tumango, kung isang kasalanan ang pag-inom sa isang pureblood, ibig sabihin ba nito ay malaki na ang aking kasalanan?

"Let my Mable pull her sleeves up for favors." Humalakhak ang headmaster at tumayo mula sa kanyang pagkakaupo sa upuan, lumapit ito sa isang sulok ng silid at may pinindot sa pader. Bumukas ito na parang pintuan pero maliit lamang ito at hindi kasya ang mga katulad namin na nilalang.

Naglabas ito ng mga bagay na hindi ko alam, kahit malayo ako mula sa distansyang kinatatayuan ng headmaster ay naamoy ko ang isang nakakaakit na amoy. Tila bumabalik sa isipan ko ang imahe ni Mable na nakatayo sa dating silid na kinaroroonan namin.

"Binibini, kumalma ka." Bumalik na ang kaninang tono na pinanghahawakan ng headmaster, at hudyat rin nito ay naramdaman ko ang pamilyar na presensya ng mga bampira kanina. Tapos na siguro ang pag-uusap naming dalawa.

Transmission (Starset Series # 1) [wip]Where stories live. Discover now