Carnivore, iii

14 3 0
                                    

She

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

She

Naglalakad kami papunta sa unang klase namin ngayong araw, pero hindi parin matahimik itong si Marv at Mable sa pag-aaway. Hindi ko na rin maalala ang pinagmulan ng pinagbabangayan ng kambal.

Basta nandito nalang kami ngayon at tahimik na nakikinig sa pagbabangayan ng dalawa. Mahaba pa raw ang kailangan naming lakarin, madalas daw ay ginagamit na lamang nila ang ability nila pagpapunta sa katapat na kastilyo. Pero dahil daw hindi ko pa kabisadong kontrolin ang akin kakayahan ay maglakad lakad nalang daw muna kami, at para na rin daw malibot ko lahat ng kastilyong nakapaligid sa academy.

Isang ingay ang narinig ko, nagtataka kong tinignan ang kambal na tuloy tuloy parin sa pagtatalo, malabo ang aking pandinig at wala akong maintindihan.

Iyong ingay na naririnig ko ay parang ako lamang ang nakakarinig, walang reaksyon sina Vica o Fin na naglalakad sa harap ko. Ako lang ba ito?

Parang nabibingi ako sa tinis ng buzz na naririnig ko. At nahihirapan na akong kontrolin ang aking sarili, parang may isang libong pisi na nakadikit sa aking katawan at gusto ako nitong hilain sa kabilang direksyon na tinatahak ko ngayon.

Pilit kong nilalabanan ang kakaibang sensasyon dulot ng tunog na iyon, ipinikit ko ang mata ko sa takot na baka nga may kumokontrol nga sa aking katawan pero ilang sandali lamang ay malinaw ko ng naririnig ang di matapos tapos na pag-aaway ng kambal.

"Gusto mo pa ba ng dugo? I can grab you some sa mess hall kung gusto mo." Davien was looking at me, pansin niyang balisa ang aking itsura.

"Ay hala, hindi na." Wala na sigurong katapusan ang pagblublush ko, grabe kasi ang pag-aalaga nila sa akin. Hindi ko alam kung paano susuklian yung kabutihan na ginagawa nila para sa akin.

"Basta tell me if you're not feeling well." Tiningala ko si Davien, sabihin ko ba sakanya iyong buzz na naririnig ko? Pero wala naman na iyong tunog.

Pagtapak ko palang sa loob ng classroom ay nagtinginan na ang lahat ng naroon sa amin, kahit nasa likuran ako nila Marv ay ramdam ko parin ang mga matang nakatingin sa akin.

"Come on let's get you settled in." Ang tahimik na si Fin ang tumawag sa akin para pumasok na sa silid aralan. Kanina ko pa inoobserbahan si Fin, hindi ako nito pinapansin pero andyan lang siya. Hindi ko rin naman alam kung may problema ba siya sa akin, pero kung pagbabasehan lang naman ang aksyon niya ngayon.

Masasabi kong hindi lang siguro talaga mahilig makipag-usap si Fin, nakita ko pa nga itong nakdukdok ang ulo sa lamesa kaninang umiinom kami ng dugo.

Sumunod na lang rin ako kay Fin, since nasa loob na rin naman silang lahat at hinihintay nalang namin ang teacher daw namin.

Inilibot ko ang paningin ko sa classroom, kakaunti lang ang tao at napakaraming bakanteng upuan at halos hindi nag-iimikan ang mga tao roon. Anong klase ba itong pinasukan namin? Hindi ko naman tinanong kung anong subject ito.

Wala ring gaanong laman ang bag ko, basta may isang notebook at ballpen lang sa loob tapos wala na. Kasi sina Davien nga ay wala ng dala dalang bag papunta sa klase, at mukang hindi yata uso sa kanila ang bag.

Iyong mga humans lang ang nakita kong may dala dalang bag. At ramdam mo lang rin talaga ang iba't ibang uri na magkakasama sa iisang silid, dahil na rin sa kanilang angking karisma.

"Here bago pa dumating si Resticio." Inabutan ako ni Davien ng libro at sinuri ko ang disenyo ng libro.

"Bakit magkaiba tayo ng libro?" Tanong ko kay Davien, binuklat ko ang mga pahina at nangingilaw na ang mga papel, samantalang ang kay Davien ay iba ang sukat ng libro pero tulad ng akin ay luma na rin ang mga pahina.

"Magkaiba lang tayo ng publishing year, but we have the same book. And don't fret too much, usually puro basa lang ang gagawin natin. Hindi ko alam kung bakit binigyan ka pa nila Mable ng bag at notebook, literal na hindi mo na yan kailangan." Nakapatong ang mukha ni Davien sa kanyang mga palad habang kinekwentuhan niya ako tungkol rito sa klase namin.

"Do you even know how to write?" Nagulat ako sa tanong ni Fin mula sa likod ko. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa tanong ni Fin.

Hindi ko alam kung papaano ko maipapaliwanag na wala akong ideya sa mga ganitong bagay?

Tinignan ko ang librong hawak ko, nanginginig ang aking kamay habang sinusuri ko ang disenyo ng libro. Iyon ba ang sinasabi nilang letra?

Napatayo ako bigla sa aking kinakaupuan, na nagsanhi ng ingay sa silid na pumukaw sa atensyon ng mga kasama ko rito. Ramdam kong nalalaglag ang aking puso sa katotohanang hindi ko alam magbasa o magsulat, bakit pa ako narito sa academy kung wala rin naman akong maitutulong.

At pagiging pabigat lang ang binibigay ko kina Davien. Panigurado napapagod na si Mable sa kakapaliwanag sa mga ganitong bagay.

"Babe," Hindi ko pinansin ang pagtawag sa akin ni Mable, ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng silid ay kasing bilis ng kidlat na tinakbo ko ang distansya paalis sa classroom. Hindi na dapat ako nandoon.

Ramdam ko ang pagdaan ng ihip ng hangin sa aking pisngi, hinehele ng hangin ang aking isipan. Ng tumigil ako sa pagtakbo ay ramdam ko ang paglipad ng buhok ko sa iba't ibang direksyon.

Tirik ang araw at kita ko ang kalangitan. Napakaliwanag at ang daming mga ulap.

Pumasok sa isipan ko ang isang panaginip ko, naalala ko pa ang bawat panaginip ko at hindi ko pinagtutuunan ng pansin dahil wala namang makakasagot sa mga katanungan ko. Wala ring kasiguraduhan ang suspetsa ko kung totoo ang mga iyon, pero ngayong mag-isa lang ako ay bumuhos sa akin ang mga memorya na mayroon ako simula ng nagising ako.

Nawawala ako sa tamang huwisyo.

Naririnig ko nanaman ang nakakabinging tunog.

Hindi ko alam kung saan iyon nanggaling at kung bakit ko ito naririnig.

Bago ako mawalan ng malay, isang memorya ang muling tumakbo sa aking isipan.

Nahuhulog ako mula sa itaas.

Transmission (Starset Series # 1) [wip]Where stories live. Discover now