Carnivore, i

30 3 0
                                    

She

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

She

"My darling dear, alam mong hindi ka makakatakas dito." A deep baritone voice has invaded my senses, hindi ko makita kung saan nanggagaling ang tinig na aking naririnig.Nasa isa akong hindi pamilyar na silid, pero may hindi ako maipigura na parang kinikiliti neto ang isipan ko na kilala ko itong silid na ito.

Ano ang ibig sabihin ng sa hindi ako makakatakas? Ano ang tatakasan ko.

"Honey, give her some slack. Plus our darling is still young." Another unfamiliar voice has entered inside my head, it was soft and it felt like home to me. Napakatamis ng pagbigkas ng babae sa salitang darling, at hindi ko maintindihan kung bakit darling ang tawag nila sa akin. Iyon ba ang pangalan ko?

Wala parin akong ideya kung sino ang nagmamay ari ng mga tinig na kumakanta sa aking isipan.

"But my love, she's our only successor of the family. Alam mong hahanapan na rin tayo ng Order ng candidate for her." The same baritone voice answered the woman.

Nakaupo ako sa isang silya at nakasindi ang eleganteng fireplace, lumingon ako sa aking kanan at nakita ko ang isang babae na nakaupo roon at may hawak na kopita sa pagitan ng kanyang mga daliri. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha.

"Don't worry hun, I got you." I heard a whisper inside my head, this time I'm sure that voice came from the woman. Ramdam ko rin ang involuntary na pagngiti mula sa aking mga labi, tila alam nito ang magiging tugon ko.

"A***** don't you like anyone from the Natt family? I heard you and their third eldest were born in the same moon year." The same baritone voice has diverted his attention on me again. Wala akong ideya kung sino ang kanyang binanggit, pero tila may sariling isip talaga ang aking bibig.

"Well, I guess, if we have the same moon year. I might...." Napigilan ko na ang aking sarili bago ko pa matapos ang mga katagang gustong lumabas sa aking bibig

I have this strange feeling that I have heard of Natt already, pero hindi ko maintindihan ang lahat ng ito. At kung bakit parang alam na ng aking isipan ang isasagot sa katanungan, na tila ba inuulit ko lamang ang kaganapan?

"Darling are you alright?" Tanong sa akin ng tinig ng babae, tila nag-aalala ito sa akin. Hindi ko maintindihan talaga, bakit parang mali ang pagpigil ko sa sarili ko? Na para bang hindi ito ang nangyari.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at bago pa ako makahakbang ay nandilim na ang buong paligid ko, eto na ba ang katapusan?

Transmission (Starset Series # 1) [wip]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon