Halo, iv

24 9 0
                                    

She

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

She

My eyes welled with the fire that I am seeing right now.

Kinakain ng apoy ang lahat ng kanyang matanaw.

"How can we find it here?" Puno ng hinagpis kong tanong sa lalakeng kasama ko. Tiningnan lamang ako ng aking kasama at ibinalik niya ang kanyang pagtanaw sa nagbabagang apoy.

"Can we fly again?" Tumango ang kasama ko at pinanood ko ang pagbuka ng kanyang mga pakpak sa likuran, nakakabighani ang imaheng nasaksihan ko. Na kahit ba nasa kalagitnaan na siya ng impyerno ay nababagay parin sakanya.

Sa isang iglap ay nasa bisig na ako ng anghel, buhat niya ako at kita ko mula sa itaas kung paanong lamunin ng apoy ang natirang istraktura ng isang tahanan. Nakakapanlumo.

Dito sa kalagitnaan ng apoy ko nakita ang aking pangitain, sigurado ako roon.

At hindi ako nagkamali, sa gitna ng apoy ay may isang espasyo ang hindi nilalapitan ng apoy, tila may isang salamin na prumoprotekta sa isang pigura na naroon. Maliit lamang ito at nakikita kong kumikislot pa ito.

"There!" Turo ko sa aking nakita, matulin na lumipad ang anghel patungo roon. Nakita na rin niya siguro ang bata.

Walang salamin na nakaharang ng kami'y makalapit. Rinig ko ang mahinang pagpintig ng puso nito, kung nahuli man kami ng dating ay paniguradong wala na kaming maabutan. Ang laki ng agwat ng bawat pagtibok ng kanyang puso, napakatatag naman ng batang ito at lumalaban parin.

I heard a soft whimper coming out from the child, it choked me to tears as I held her in my arms. So fragile, and she lost everything.

Tinawag ng anghel ang aking atensyon, umiling lamang ako at dinala sa aking mga bisig ang bata. Inabot ko ang aking palapulsuhan at walang allinlangan na madiin kong kinagat ang aking sarili. Malamig na pulang likido ang dumaloy mula sa aking kinagat, sinipsip ko ang aking dugo hanggang sa hindi ko na kaya pang hawakan.

Tinignan ko ang walang malay na batang babae sa aking bisig at hinawakan ang kanyang mga labi para bigyan ako ng espasyo upang salinan siya ng aking dugo. Ito lang ang alam kong gawin, ito ang nakita kong ginawa sa aking panaginip.

Napasinghap ako ng maramdaman ko ang paggalaw ng labi ng bata, tila gusto pa nito ng dugo. Inabot ko sa kanya ang aking palapulsuhan para bigyan pa siya.

Sa kabilang banda, ramdam ko ang unti unting pag-gapang ng apoy sa aming pwesto. Tiningala ko ang anghel at naguguluhang napasinghap sa kanyang imahe.

Hindi ba't nakita ko na siya?

"I..." Malungkot na napangiti ang anghel sa akin.

Pero bago ko pa man mabigkas ang mga katagang bumabagabag sa akin ay kinain ng dilim ang aking bisyon. 

Transmission (Starset Series # 1) [wip]Where stories live. Discover now