Chapter 1

83 9 1
                                    

FIRST ENCOUNTER.

It;'s Sunday again and it's my routine to attend the 4pm mass in our parish. Sometimes I bring my cousins with me but a lot of times I was alone, like now. Wala namang kaso sa'kin kung wala akong kasama, mas maganda nga kung ganito lagi dahil hawak ko ang oras ko.

Nakagawian ko na rin ang pagdating ng maaga, gusto ko kasing nakaupo sa pinakaharapan at gitna para hindi ako madistract sa ingay ng iba at mapakinggan ko ng maayos ang sinasabi ng pari.

"Yana pwede bang ikaw ang magpunas dito? Magm-mop pa kasi ako e," pakiusap sa 'kin ni Joseph, isang sakristan na naging kaibigan ko na rin.

Nginitian ko siya at agad kong kinuha ang basahan na nasa kamay niya. "Oo naman, tutal kakatapos ko lang mag-walis, mag-mop kana para makapagbihis ka na pagkatapos," usal ko, nagpasalamat naman siya at patakbong bumalik sa loob sa ikalawang palapag para kuhanin ang mga panglinis.

Sinimulan ko ng punasan ang lamesang ginagamit ni Fr. John, pati ang maduduming upuan ay pinunasan ko na rin para wala ng maiutos sa'min.

"Ang sipag mo talagang bata ka, pag palain ka sana ng Diyos, hija." Nagulat pa ako dahil sa biglang pagsulpot ni Father sa tabi ko, tinapik niya ang balikat ko at nagpapasalamat.

"Father! Ikaw pala 'yan." Agad kong kinuha ang kamay niya at nagmano, "Walang anuman po ito, pangbawi ko na rin po dahil isang buwan akong nawala," nakangiting sabi ko.

"Hindi mo naman ito obligasyon pero ginagawa mo pa rin kaya malaki ang pasasalamat ko sa'yo hija," tinapik niya ang balikat ko. "Nga pala, saan ba kayo galing at isang buwan kang nawala?"

"Sa Korea po, may inasikaso po kasi ang family namin doon,"

Tumango naman si Father at nagpaalam na papasok na para magbihis kaya ipinagpatuloy ko ang ginagawa kong paglilinis, nang matapos ako ay dumiretso ako sa banyo na nasa parteng likod ng simbayan, naghugas ako ng kamay at muling nag-ayos ng sarili, pinagpag ko na rin ang suot kong kulay dilaw na dress dahil medyo nakapitan ito ng alikabok.

Paglabas ko ay dumiretso na ako ng upo sa paborito kong pwesto, naglibot ako ng paningin at paisa-isa ng dumadating ang mga tao at naghahanap ng sariling pwesto. Pagtingin ko sa suot kong relo ay may kalahating oras pa naman bago magsimula ang misa kaya lumuhod muna ako at nag-usal ng maikling dasal.

Makalipas ang ilang sandali ay unti-unti ng nagdatingan ang mga tao sa simbahan hanggang sa mapuno na kami at nagsimula na ang misa.

Natapos ang kantang Ama Namin ng may lumabas na isang binata mula sa loob ng bahay ni Father. Nakasuot ito ng puting sutana, suot ng mga sakristan.

Patuloy ko lang siyang pinagmasdan pero nakikinig pa rin naman ako kay Father, baka magalit sa'kin si Lord at sabihing nagsimba lang ako para maghanap ng gwapo, ganun kasi ang hanap ng ibang kabataan.

Matangos ang ilong niya at may kakapalan ang kilay, his perfect proportion lips and hooded eyes makes him look neat and handsome. Kung susuriin naman sa tangkad ay baka nasa 19 years old na siya, mas matanda sa'kin ng dalawang taon.

Namilog ang mata ko ng mapatingin siya sa gawi ko, agad akong nag-iwas ng tingin at napapikit ng mariin, nakakahiya naman eh!

Ibinalik ko nalang ulit ang tingin ko sa unahan at taimtim na nakinig ulit kay Father, buti nalang at walang maingay dito sa unahan kaya naiintindihan ko ng mabuti ang sinasabi ng pari.

Hanggang sa matapos ang misa at unti-unti ng naubos ang mga tao sa simbahan, nanatili pa rin akong nakaupo sa pwesto ko at hinintay na maubos ang mga tao. Nang makita kong hindi na nagsisiksikan ang mga nagsimba ay tumayo na ako at dumiretso kay Father para magmano.

"Father, may bago po ba kayong sakristan?" Nagtataka kong tanong pagkatapos magmano.

Napangiti naman si Father Joseph, "Oo hija, galing siya sa siyudad at kilala ko ang pamilya niya, gusto raw maglingkod sa simbahan kaya sinama ko na dito," pagpapaliwanag niya.

Napatango-tango naman ako.

"Oh siya, magbibihis na ako hija, mag-iingat ka sa pag-uwi," pagpapaalam sa'kin ni Father Joseph at umalis na sa harap ko.

Naglakad na rin ako papalabas ng simbahan, tinignan ko muna ang relo ko, siguro naman nasa labas na ang driver namin para sunduin ako.

"Hala!"

May nabangga akong isang matigas na bagay at dahil sa lakas ng impact ay napaupo ako, una pwet.

"Aray!"

Napatakip ako ng bibig dahil sa lakas ng tili ko, nag-echo tuloy ito sa buong simbahan at pinagtinginan ako ng mga tao.

Napatingin ako sa taong nabangga ko, si sakristan!

Inabot niya sa'kin ang kamay niya kaya ginamit ko naman ito para makatayo, ang lambot lambot ng kamay niya!

"M-Miss sorry, di ko talaga sinasadya." Napakamot pa siya sa batok niya at nakayuko.

Natulala naman ako saglit at pinagmasdan siya, masyado kaming malapit sa isa't-isa kaya amoy na amoy ko ang pabango niya, ang bango!

"A-Ah e, o-okay lang, sorry din." Napaiwas ako ng tingin at umatras ng kaunti, sobrang kahihiyan na 'to.

Ba't ba ako nauutal?!

"T-Teka may masakit ba sa'yo? Daan tayong clinic jan sa tapat." Tinignan niya ako ng diretso sa mata, ang ganda ng mga mata niya.

Pakiramdam ko ay biglang uminit ang pisngi ko.

"H'wag na, ayos lang ako." Sinubukan ko siyang tignan at ngumiti ng tipid.

"Sigurado ka ba? Sorry ulit, nagmamadali kasi ako kaya hindi kita nakita," pagpapaliwanag niya, acceptable naman at may kasalanan rin ako.

"Sige, una kana. Ayos lang talaga ako." Tumabi ako para bigyan siya ng daan, binigyan niya naman ulit ako ng sinseridad na ngiti bago tumakbo ulit.

Pag-alis niya sa harap ko ay napahinga ako ng maluwag, grabe, ba't ba ang init ngayon?!

Tuluyan na akong lumabas ng simbahan at nagsindi muna ng kandila bago pumunta sa meeting place namin ng driver ko.

"Mukhang ang saya po natin ngayon ma'am ah?" Bungad sa'kin ng driver namin.

"P-Po? Di naman po kuya," pagkakaila ko.

"Eh nakangiti nga po kayo eh."

Napatingin ako sa side mirror ng kotse namin, shemay!

Nakangiti nga ako, parang tanga!

Where Our Hearts BelongWhere stories live. Discover now