Chapter 4

40 8 1
                                    

OCEAN.

Magmula ng araw na iyon ay lagi na kaming nag-uusap ni Shemiah, I prefer calling him Reuel sometimes pero kinaiinis niya ito, hindi raw kasi siya komportable.

Sa ilang linggo naming magka-usap ay napakarami ko agad nalaman tungkol sakanya, hindi kasi siya nauubusan ng kwento kahit sa chat lang kami madalas nakakapag-daldalan.

Tama nga ang hula ko noon, he's 19 years old and taking Mechanical Engineering. His family owns three fast food chains at limang restaurant.

He loves playing musical instrument, specially keyboard and drums. I even saved his song covers dahil sobrang ganda ng boses niya, dahilan para mas magustuhan ko siya.

"Grabe Yana, sa simbahan lang kayo nagkakilala tapos date agad? Baka sa simbahan na rin ang tuloy niyo niyan," she giggled while braiding my hair.

"Naku Arielle, nagi-imagine kana naman ng mga bagay-bagay, friendly date lang naman 'to," pangangatwiran ko.

"Awit, friendly nga lang ba talaga?" Tanong niya habang nakangisi, sinimangutan ko na lamang siya. She really loves teasing me dahil binibigyan niya ng diin ang salitang friendly.

Nang matapos niya na akong ayusan ay nagpalit kami ng pwesto dahil buhok niya naman ang aayusan ko. Magkapareho kaming nakasuot ng white dress na abot tuhod at gusto niyang i-braid ko rin daw ang buhok niya para magka-match kami.

We took alot of pictures before going to church, syempre ay nakisabay na naman sa'min si Ace. Sira na naman daw kasi ang sasakyan niya kahit hindi naman talaga, gusto niya lang palaging kasama si Arielle.

Pagdating namin sa simbahan ay nag sign of the cross muna ako bago tuluyang pumasok, dumiretso ako sa nakagawian kong pwesto at sumunod naman sa'kin ang dalawa.

"Grabe, pogi naman pala talaga," mahinang bulong sa'kin ni Arielle na nasundan ng mahinang hagikgik. Nasa harapan kasi namin ngayon si Shem, nagpupunas ng lamesang ginagamit ni father.

Nang magtama ang paningin namin ay nginitian niya ako at saka nag-wave, ganun rin naman ang ginawa ko habang para namang may sili sa puwet kung umasta ang katabi ko.

"Shh, mahiya ka nga. Nasa loob tayo ng simbahan," pananaway ko rito.

"Yan kasi, ang likot parang bata," pagpaparinig naman ni Ace at nagsimula na naman silang magbangayan. Napailing nalang ako at tinuon ang pansin sa mga ibang sakristan na naglilinis rin.

"Kapatid mo?" Napatingin ako bigla sa harap ng makarinig ng pamilyar na boses, si Shemiah pala.

Tinuro ko muna ang sarili ko para masigurong ako ang kausap niya, natawa naman siya at tinanguan ako. May dala siyang maliit na basahan at nagpupunas ng mga luhuran.

"Hindi, kakambal," pagbibiro ko dahilan para mas lalong nanlaki ang mga mata niya.

"Joke lang, bestfriend ko," pag-amin ko bago siya tinawaman, ang bilis kasing maniwala.

"Ang cute mo ngayon," biglaang ani niya.

Napaiwas naman ako ng tingin at pinaypayan ng kaunti ang sarili, pakiramdam ko kasi ay agad akong pinagpawisan dahil sa sinabi niya. Naramdaman ko rin na naging mas mabilis ang takbo ng puso ko, iba na ata 'to.

"T-Thank you," tipid kong sagot.

Tinawanan niya naman ulit ako bago nagpaalam na magbibihis na, pag-alis niya ay agad-agad na niyugyog ni Arielle ang balikat ko kaya napatingin ako rito.

"Girl ang pogi, jackpot!" Parang bata niyang sabi, nanggigigil pa siya at patuloy na tinitignan si Shemiah kung saan ito tutungo.

"Hush, akin yan," pagbibiro ko.

Where Our Hearts BelongWhere stories live. Discover now