Chapter 3

38 6 0
                                    

THE GAME.

"Kasama ba natin si Arielle?" Ace asked me for the fifth time.

Hinarap ko naman siya at sinamaan ng tingin, "Unli ka ba?"

His eyebrows furrowed, "Bakit?"

"Paulit-ulit ka eh!" Iritadong saad ko at padabog na naglakad papasok ng court.

Tumakbo agad ako papunta sa blechers nang makita kong nandun na si Arielle at taimtim na kumakain. Kumuha agad ako ng fries na nasa kamay niya at sinubo iyon bago maupo.

"Gutom na gutom? Parang walang pagkain sa bahay ah," pagsusungit niya at inilayo sa'kin yung fries.

"Damot!" Pagpaparinig ko pero nagkunwari siyang walang narinig at inirapan lang ako, napakatakaw talaga.

Nang pumasok na rin sa court ang grupo nila Ace ay nagsimula ng umingay ang paligid, kilala ko naman ang lahat ng kasama namin dahil puro namin ito kaklase.

"Sino pala kalaban nila?" Tanong ng katabi ko, nagkunwari rin akong walang narinig at inabala ang sarili sa pagmamasid ng paligid kahit wala namang bago.

Siniko ako ni Arielle pero hindi ko pa rin siya pinapansin, "Woi, parang tanga 'to," nakanguso niyang saad.

"Ito na nga oh! Fries na leche!"

Natawa na ako ng tuluyan at kumuha ng tatlong pirasong fries, matalim niya naman akong sinundan ng tingin habang ngumunguya.

"Di ko pa alam kung sino, taga Igualdad daw," sabi ko.

"Igualdad? Malayo yun ah," ani Arielle, nagkibit balikat nalang ako. Mahigit isang oras nga ang biyahe papunta dito kung galing kang Igualdad kaya bakit naman nila naisipan dumayo?

Pinanood lang namin na maglaro ang boys hanggang sa dumating ang isang grupo ng kalalakihan, dahilan para mas umingay ang court.

Nilingon ko lang sila at sinulyapan pero agad na nabalik ang tingin ko ng may makitang pamilyar na mukha, si Shemiah!

"Girl andito siya," mahinang bulong ko kay Arielle habang sinusundan ng tingin ang papalapit na si Sheamiah.

"Alin? Sino?"

Hindi pa rin maalis ang tingin ko sakanya hanggang sa siguro'y naramdaman niya na nakatingin ako kaya napatingin rin siya sa gawi ko, agad naman akong nag-iwas ng tingin.

"Girl si Sheamiah andito," gigil na bulong ko ulit.

Napalingon ako kay Arielle nang bigla siyang tumayo, "Ha? Si Shemiah andito?" Malakas na sigaw niya.

Napapikit nalang ako at hindi na tumingin sa kanila, ramdam kong pinagtitinginan na kami ng grupo nina Shemiah kaya yumuko nalang ako.

"Piste ka talaga, Arielle," mariing bulong ko.

"I love you!" Tumatawang sabi niya at naupo ulit sa tabi ko. Leche talaga.

"Uy, andito rin pala kayo." Napatingin ako sa baba ng blechers ng marinig ko ang boses ni Shemiah, nakangiti siyang nakatingin sa'kin kaya nginitian ko rin siya.

"Oo eh, maglalaro kasi kaibigan namin," sagot ko habang pasimpleng nag-aayos ng buhok.

"Teka, kayo yung galing Igualdad?"

"Yung iba kong kasama oo." Tinuro niya sa'kin yung apat niyang kasama na papalapit dito.

"Hi!" Bati sa'kin nung isang tisoy.

"Teka, hulaan kita!" Turo sa'kin nung isang morenong lalaki, napakunot naman ang noo ko pero tumango pa rin.

"Yana ang pangalan mo tapos lagi mong kachat si bossing," nakangising sabi niya at kinindatan pa ako.

Napakunot ang noo ko at natawa, "Legit fortune teller ka ba?"

"Hindi, pero imbestigador ako." Tapos ay kinindatan niya rin ako.

"Tama na yan, puro kayo kalokohan," usal naman ni Shemiah. "Yana si Dominic nga pala." Tinuro niya yung medyo tisoy. "Tapos si Eli, Kian, Lion."

Nginitian naman nila ako at nginitian ko rin sila pabalik, pagkatapos ay nagpaalam na silang mauuna ng pupunta sa court.

"P-Pwedeng pahawak nitong bag? May cellphone kasi eh, baka mawala," pakikiusap ni Shemiah.

Napangiti naman ako ng makitang sobra siyang nahihiya habang nakikiusap sa'kin, kinuha ko mula sakanya ang bag at niyakap iyon.

"Goodluck on your game!" I happily said, nag-thank you naman siya at bumaba na ulit.

"You're welcome mars!" Nakangising saad ng katabi ko, napakabugaw talaga.

Itinuon ko nalang ang pansin ko sa mga maglalaro hanggang sa magsimula na sila, na kay Ace ang bola pero hinaharangan siya ng kateam ni Shemiah kaya hindi siya makabwelo.

"Go mga bakla!" Pangc-cheer namin sa team ni Ace.

Biglang naagaw ni Shemiah yung bola at tumakbo naman agad siya papunta sa ring para ishoot ang bola, hindi naman agad yun naagaw ng kateam ni Ace kaya nai-shoot niya agad, 3 points.

"Wooh galing!" Napatayo at napapalakpak pa ako ng mai-shoot niya ang bola.

"Traydor!" Sigaw nila Ace pero pinandilatan ko lang sila ng mata.

Nasa team ulit ni Shemiah yung bola pero naagaw agad ito ni Gabriel, kaibigan ni Ace. Akala namin ay is-shoot niya na ito pero bigla niya itong pinasa kay Nixon dahil wala itong bantay at agad naman nitong nai-shoot yung bola.

"Nice!" Sigaw ni Arielle at napatayo rin pala.

Nagtuloy-tuloy pa ang laro hanggang sa napagod sila, nanalo ang team ni Shemiah kaya inis na inis si Ace, di talaga marunog ng sportsmanship kahit kaylan, porket nanood si Arielle.

Sinalubong ko si Shemiah at binigyan ng gatorade na binili ko kanina, agad niya namang ininom iyon. He's sweating but doesn't smell bad, mas bumango pa nga siya dahil sa pawis niya, hindi ko alam na pwede palang ganun.

Pagkatapos niyang uminom ay inabot ko sakanya yung towel na kinuha ko mula sa bag niya kanina, "Sorry, pinakialaman ko bag mo."

Ginulo niya naman ang buhok ko, "Okay lang."

Pinanood ko siyang magpunas ng pawis hanggang sa tinignan niya rin ako pabalik, "Pwedeng papunas sa likod?" Nahihiyang tanong niya.

Agad ko namang kinuha mula sa kamay niya yung towel at pinunasan yung likod niya, hindi ko iyon matignan ng diretso dahil tingin ko ay namumula na ako.

"Ang haharot oh," pagpaparinig ni Arielle na binigyan rin naman ng tubig yung mga kateam ni Ace.

Sinamaan naman ako ng tingin ni Ace, "Bawal ka pa may boypren," seryosong saad niya.

"Boyfriend agad? Para kang tanga jan, Ace," sabat naman ni Arielle. Hindi ko nalang sila pinansin at nilipat ang tingin ko kay Shemiah na nakatingin rin pala sa'kin, nag-iwas ako ng tingin at ibinalik sakanya yung towel.

"May lakad pa kayo?" Tanong niya.

"Wala na, uwi na rin kami. Bakit?"

"Hm, buti naman," rinig kong bulong niya.

"Bakit?" Nagtatakha kong tanong.

"Masyadong maikli ang suot mo, baka mabastos ka." Npahawak pa siya sa batok niya at may binigay sa'kin na jacket.

Tinanggap ko naman iyon at tinignan ang suot ko, I'm wearing a sleeveless top and a high waist short.. well yeah, too short. Agad kong sinuot ang hoodie na binigay niya, it is a oversized black hoodie at sakto lang ang haba.

"T-Thank you," nahihiyang sabi ko.

"You're welcome, una na kami." Akala ko ay aalis na sila pero nagulat ako ng hinalikan niya muna ako sa noo at ginulo ang buhok ko.

"Ingat ka pauwi," namamos na bulong niya na malapit sa tenga ko, dahilan para mas mamula lalo ang pisngi ko.

--
a/n: im sorry, im not good in describing basketball chuchuness haha. And btw yes, this is chap 3, siningit ko kasi ang speed ng story.

Where Our Hearts BelongOnde histórias criam vida. Descubra agora