Chapter 2

60 9 3
                                    

UMUWI ako sa bahay na tulala at nakangiti pa rin, sinita pa nga ako ni mommy dahil lutang na lutang raw ako habang kumakain pero sabi ko may gumugulo lang sa isip ko, isang magandang pangyayari.

"Hoy sa simbahan ka ba talalaga pumunta? Susumbong kita kay daddy, para kang tanga jan," pananakot sa'kin ni kuya Ian habang nanonood kami ng tv.

"Eh? Di naman kita inaano ah," inirapan ko pa siya at binalik ko ang tingin sa pinanonood naming surgery videos.

"Nakakatakot kana kapatid, ngiting-ngiti ka kahit nakakadiri naman ang pinapanood natin."

Tinignan ko ulit siya ng masama, "Anong nakakadiri? Ang cool kaya ng surgery vlogs! Porket napilit kang mag law school nila mommy ang sungit mo na, para namang hindi mo na pinangarap na maging doctor noon."

Inirapan niya lang ako, "Pag mahuli talaga kitang may katagpuan sa simbahan, babatukan talaga kita," huling pagbabanta niya bago tumahimik, napaka daldal talaga ni kuya, daig pa ang babae.

Nang lumalim na ang gabi ay umakyat na ako sa kwarto at nagbihis ng pangtulog, naisipan kong buksan muna ang facebook account ko kaya kinuha ko ang laptop na naka study table ko.

Pagkatapos kong mag log-in ay pumasok ulit sa isip ko 'yung sakristan, magt-type na sana ako para hanapin siya pero hindi ko nga pala alam ang pangalan niya.

Sinubukan ko muna siyang hanapin sa friend list ko pero wala akong nakitang kamukha niya, bumaba muna ulit ako sa kusina para kumuha ng gatas.

"Ba't gising pa ang prinsesa namin?" Napagitla ako ng biglang may nagsalita mula sa likod ko.

"D-Dad, di po ako makatulog eh," I respond as I put freshmilk on the glass.

"Anak, if something's bothering you, you can always tell us."

Ininom muna ako ng gatas at tinignan si dad, "Is it okay po if I have a crush on someone I just met?" Kinakabahan kong tanong.

"Nak, malaki kana, alam mo na ang tama sa mali at alam ko ring pinalaki kita ng tama, ayos lang naman sa'kin kung magkaka-boyfriend ka."

Napangiti ako sa sinabi ni daddy, para akong nakahinga ng maluwag kahit papano. Akala ko kasi strikto sila lalo na't ako lang ang nag-iisang babaeng anak nila, si kuya kasi, tinatakot ako.

Nagpaalam na rin ako sakanya at bumalik na sa kwarto. Dumapa ulit ako sa kama at binuksan ang laptop na ko, pero biglang napakunot ang noo ko dahil sa lumabas na notification.

"Shemiah Reuel Aliniante wants to sent you a message."

Agad ko namang binuksan ang request at halos mapatili ako ng makita ang profile ng nag-message sa'kin, yung sakristan!

Shemiah: Hi, ako nga pala 'yung nakabangga sa'yo kanina, sorry ulit ha? Gusto mo pang magpa x-ray tayo? Sasagutin ko ang gastos.

Natawa ako and at the same time, kinilig. Gustong gusto kong tumili kaso baka pagalitan ako ni kuya sa kabilang kwarto kaya napahawak nalang ako sa bibig ko at pinagsisipa ang unan at kumot.

He messaged me! Oh, God!

Tumunog ulit ang laptop ko kaya tinignan kong muli ito.

Shemiah: Oy? Anjan ka pa ba? Sorry talaga kanina, mukhang masakit pa naman ang pagkakabagsak mo.

Agad naman akong nagtipa ng mensahe at dali-daling ipinadala sakanya.

Iana Esquivel: No, I'm fine na. Thanks the concern! Paano mo nga pala nahanap 'tong account ko?

Pagkapindot ko ng send button ay typing agad siya.

Shemiah: Ah, sa people you may know lang. Sige, goodnight!

Where Our Hearts BelongWhere stories live. Discover now