Chapter 5

29 7 0
                                    

MEET THE FAM.

1 week later. . .

"S-Sigurado ka ba?" Nag-aalangang tanong ko.

Ngumiti naman siya at ginulo ang buhok ko, "Oo naman, pero kung hindi sa 'yo okay, maghihintay ako," saad niya.

"H-Hindi sa ganun, baka kasi n-nagpapadalos-dalos ka lang k-kasi di ba... b-baka hindi pala l-love 'yang nararamdaman mo," nakayukong usal ko.

"Don't doubt my feelings for you, please?" Binalik kong muli ang tingin ko sakanya at tinanguan siya. Nandito kami ngayon sa harap ng bahay ko, ngayon niya kasi balak magpaalam sa pamilya ko tungkol sa panliligaw niya, akala ko nga ay hindi siya seryoso dun sa sinabi niya noong nakaraang Linggo pero nagulat ako dahil paggising ko ay napakarami na niyang messages at sinabing pupunta dito sa bahay.

Binuksan ko ang gate at pinapasok siya, buti nalang at Sunday ngayon kaya kompleto kami at alam kong magluluto ng lunch mamaya si mommy.

Dumiretso ako sa sala habang hawak ang kamay ni Shemiah, nagpahila naman siya sa'kin at nang makita ko si kuya na pababa sa hagdan ay tinawag ko siya.

"Kuya, baba ka dali!" Excited na tawag ko.

Napakunot naman ang noo niya at tinignan ang kamay kong nakahawak kay Shemiah at dali-daling bumaba, namataan ko rin ang pagpasok ni mommy at daddy sa loob ng bahay na parehong galing sa garden kaya hinarap ko silang tatlo.

"A-Ah, Mom, Dad, kuya s-si Shemiah po," pagpapakilala ko. Lumapit naman ng tuluyan si mommy pinagmasdan si Shemiah.

"Magandang araw po," magalang na bati ni Shemiah.

"Maupo ka, hijo," saad ni dad kaya sumunod naman kami. Magkatabi kami ni Shemiah at nasa harapan namin ang nakaupong si kuya na masama ang tingin sa'kin at sina mom.

"Anong buong pangalan mo? Ilang taon ka na? May trabaho ka na ba? Mabubuhay mo na ba ang kapatid ko?" Sunod-sunod na tanong ni kuya, sinamaan ko naman siya ng tingin pero inirapan niya lang ako.

"Magtigil ka nga jan, Ian," saway ni mom at hinarap kami. "Hijo, anong buong pangalan mo?" tanong niya sa katabi ko.

"Shemiah Reuel Aliniante po."

"Manliligaw ka ba ng anak ko?" Seryosong tanong ni dad. Nakaramdam naman ako ng konting kaba dahil dun.

Nakita kong ngumiti ulit si Shemiah bago sumagot, "Hindi pa po, sir. Gusto ko po muna kasing humingi ng permiso sainyo bago ko siya ligawan."

Napatango-tango naman si dad sa sagot ni Shemiah, "Gano'n ba? Tingin ko naman ay mabait ka dahil naisipan mong magpaalam muna sa'min."

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi ni daddy, buti nalang at mukhang pasado naman sakanya si Shemiah at gano'n rin kay mommy.

"Sa'n ba kayo nagkakilala nitong bruha kong kapatid?" Biglang singit ni kuya.

"Sa simbahan po," simpleng sagot naman nitong katabi ko.

Tinignan naman ako ni kuya gamit ang 'sinasabi-ko-na-nga-ba' look. "Ba't sa simbahan? Haharot niyo."

"Language, Ian," saway sakanya ni dad.

"Sakristan po kasi ako," magalang na sagot ulit nitong isa.

Tinaguan lang siya ni kuya, "H'wag mo na akong i-'po', magkaedad lang tayo."

Tinadtad pa nila ng tanong si Shemiah at hindi natapos ang pang-aasar sa'kin ni kuya hanggang sa inimbitahan na ni mom si Shem na dito nalang kumain ng lunch at diretso na kami sa pagsisimba mamaya.

"What's your plan, Reuel?" Tanong bigla ni mommy habang kumakain kami, sana lang di siya maging uncomfortable dahil tinawag siya sa second name niya.

"Maga-apply po agad ako sa isang kompanya pagkatapos kong grumaduate, iyon po ang plano."

Natapos kaming kumain at bumalik ulit sa sala, wala naman kaming nagawa kay nanood nalang kami ng Netflix bilang pampalipas oras hanggang sa nagpaalam na sa'min si Shemiah dahil kailangan niya na raw mauna sa simbahan.

"Maraming salamat po ulit, ma'am, sir." Yumuko si Shemiah bilang pamamaalam sa pamilya ko.

"Ano ka ba hijo, tita at tito nalang, balik ka ulit dito anytime na gusto mo ha?" Nakangiting sabi ni mommy, tuwang-tuwa kasi siya dito dahil sobrang nagustuhan nito ang desert na ginawa niya kanina.

"Anong anytime? Bawal gabi!" Sabat na naman ni kuya, tumawa lang ng mahina si Shemiah at tumango.

"Reuel, pinapayagan ka naming manligaw sa anak ko pero hintayin mo munang mag-18 ha? Ilang buwan na lang naman," paalala ni daddy at inakbayan si mom.

"Sige po tito, thank you po ulit."

Hinatid ko siya sa labas at dahil may dala naman siyang sasakyan ay hindi na niya kailangan pang mag-commute.

"See you mamaya," nakangiting saad niya.

Hindi na rin nawala ang ngiti sa labi ko, masaya kasi akong tanggap naman siya ng pamilya ko at dahil sa pagpapaalam na ginawa niya ay nararamdaman kong malaki nga talaga ang respeto niya sa'kin.

Pag-alis ng sasakyan niya ay pumasok na ulit ako ng bahay at sinalubong naman ako ng tingin ni kuya kaya naupo ako sa couch na katabi niya.

"Sina daddy?" Tanong ko at sinubo ang cheese rings at ibinaling sa tv ang tingin.

"Nasa taas, Yana pwede bang mangako ka sa'kin?" Seryosong wika niya dahilan para bumalik sakanya ang tingin ko.

"A-Ano?"

"H'wag mo munang sasagutin hangga't di ka pa 18."

Tango lang ang itinugon ko, wala pa naman talaga akong planong sagutin agad si Shemiah, gusto ko po siyang makilala ng husto at kahit naman gusto ko rin siya ay kailangan ko ng konting pakipot.

--

WEEKS passed at masasabi kong mas naging masaya ang buhay ko mula ng dumating si Shemiah, hindi pa man kami ay ginagawa niya na ang boyfriend duties lalo na kapag kailangan ko siya.

Minsan ay siya na rin ang sumusundo sa 'kin sa school kahit may kalayuan ang University na pinapasukan niya, hindi rin siya nagpaawat sa pagbibigay ng bulaklak sa'kin.

Pero ang pinakagusto kong ginawa niya ay haranahin ako, kapag gumagala kami minsan o bumabalik doon sa beach na malapit sa resto nila ay lagi siyang nagdadala ng gitara at kinakantahan ako.

Sobrang nakaka-kalma ang boses niya kaya palihim ko itong nire-record lalo na kapag kanta ng Paramore ang tinutugtog niya sa'kin.

Napapadalas rin siya sa bahay at mas nagiging close sila ni kuya dahil nagkakasundo sila pagdating sa basketball at iba pang bagay, buti nalang at hindi na ulit siya sinusungitan nito.

Tuwang-tuwa rin sakanya si mommy dahil siya ang taga-tikim ng luto nito at pinapaulanan niya lagi ng compliments, gaya ngayon na nakatambay lang ako sa kusina at nakatingin sa kanila.

"Tita ang sarap! Pabulong naman po ng secrets niyo oh," pang-bobola na naman niya. Masasabi kong madali nga talaga siyang pakisamahan dahil nasasabayan niya ang ugali ng tao, kahit ano pa man ito.

Napangiti na lamang ako at pinagmasdan si Shemiah na tuwang-tuwa habang nagk-kwento si mommy, sana lagi nalang ganito.

Where Our Hearts BelongWhere stories live. Discover now