Chapter 6

45 7 1
                                    

HAPPINESS.

"Iana are you done?" Rinig kong tanong ni mama mula sa labas ng kwarto ko.

"Yes, Madame," tugon naman ng make-up artist ko bago tinanggal ang huling kalat sa mukha ko.

Tinignan kong mabuti ang mukha ko, my round face looks great because of my make-ups, hindi ito gaanong dark at saktong-sakto lang sa kulay ko while my almond shaped eyes looks good because of brown contact lens. Hindi ko na masyadong pinagalaw ang kilay ko dahil makapal na rin ito, ang mamula-mula kong labi ay mas gumanda rin ang kulay dahil sa perpektong shade ng lipstick na ginamit ng mga nag-ayos sa'kin.

Pinasadahan ko rin ng tingin ang suot ko, I'm wearing a red-tube gown, it's like a balloon type kaya medyo may kabigatan pero hindi naman gaano, ipinares ko lang ito sa isang 3 inch T-strap.

Pumasok si mommy sa kwarto ko at gay ko ay naka red dress rin siya, agad niya akong nilapitan at hinalikan sa pisngi, "You're so pretty, anak," mangiyak-ngiyak na sabi niya.

Kunot noo ko naman siyang tinignan, "And why are you crying, Mom? Hindi pa ako ikakasal!" Natatawa kong usal at sumimangot naman siya.

"Your mom's being oa again anak," ani daddy at inakbayan si mom, he really looks good because of his black tuxedo.

I kissed his cheeks and hugged them both, narinig ko pang suminghot-singhot si mom na pareho lang namin pinagtawanan ni daddy.

"Sali ang pinagwapo niyong anak!" Biglang nakiyakap sa'min si kuya na kakadating lang, he is also wearing a tuxedo na sobrang bagay sakanya.

We took alot of pictures dahil naghire pa talaga si mommy ng dalawang photographer para sa'kin, pagkatapos ay nauna na silang bumaba sa garden kung saan gaganapin ang debut party ko.

"Please welcome the debutants!" Malakas na sigaw ng host at nasundan ng palakpakan ng mga tao. Dahan-dahan naman akong bumaba sa hagdan habang hawak-hawak ang gown ko.

Iginaya ko ang paningin ko sa mga bisitang nasa baba, buong atensyon nila ay nasa akin habang nakangiti at pumapalakpak. Ang ibang nasa unahan ay mga bussiness partners ni dad samantalang karamihan ay schoolmates at malalapit kong kaibigan.

My heart start beating so fast when I saw Shemiah waiting for me downstair. Napakagwapo niya ngayon at pareho ni kuya ay naka gray rin siya, he smiled at me and I do the same.

Nang marating ko na ang huling baitang ay binigay niya sa akin ang kamay niya na agad ko namang tinanggap, inalalayan niya ako hanggang sa makarating sa malaking couch na nakapwesto sa gitna ng stage.

"Ang ganda mo ngayon.." he whispered.

Nagpasalamat naman ako at nag-iwas na naman ng tingin, sobrang lakas na kasi ng tibok ng puso ko at natatakot ako na baka marinig niya ito. Nagpaalam naman na siya at sinabing pupunta na sa table kung saan kasama ang pamilya niya.

Nagbigay ako ng maikling speech na naglalaman ng pasasalamat ko dahil sa pagdalo nila ngayong gabi pagkatapos ay nagsimula na ang program.

Sa 18 candles ay si mommy ang nauna at talagang naiyak pa siya habang nagsasalita at medyo nahawa rin ako pero dinaan ko na lang sa tawa, paulit-ulit niyang sinasabi na ang bilis ko raw lumaki at hindi pa daw siya ready na para bang ngayong araw ang kasal ko.

Sumunod naman kay mommy ay si Arielle na mukhang pinaghandaan ng sobra ang speech niya.

"Hi baby, babe, kambal, sis, at kung ano-ano pa yan, gusto ko lang itanong kung magkano na ba ang gasul ngayon?" Nagtawanan naman ang mga tao at napailing-iling na lang rin ako at natatawa. "Gusto ko lang sabihin na mas maganda talaga ako sa'yo pero dahil kaarawan mo naman ay sige, mas maganda ka sa'kin ngayong gabi," seryosong pagpapatuloy niya. "Ayun, hindi na ako magd-drama dahil baka abutin pa bukas, basta alam mo namang mahal kita, mas mahal kita kesa kay Ace na laging sira ang sasakyan at sana maisama mo na ako sa Korea para makita ko ang BTS, ayun lang mahal na mahal kita!" She ended ther speech by kissing my cheeks, may ibinulong pa siya sa'kin pero hindi ko naman naintindihan 'yun.

After ng 18 candles ay 18 roses, nauna si kuya at sumunod sakanya ang mga pinsan ko bago si Ace. Nang turn na ni Shemiah ay ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko at panginginig ng kamay ko pero pilit ko iyong binalewala, ang nakakapagtakha nga lang ay napakatahimik niya.

"O-Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ko.

Nginitian niya naman ako, "Oo naman."

May sasabihin pa sana ako sakanya pero hindi na natuloy dahil sumulpot na si dad na huling kasayaw ko.

"I am very proud that I raised you well, Yana," dad said while smiling at me.

"And I'll be forever grateful because you did, Dad," nakangiti kong sambit.

Niyakap niya ako at gano'on rin ang ginawa ko hanggang sa biglang namatay ang lahat ng ilaw. Napahawak ako ng mahigpit kay dad at narinig ko naman ang ibang bisita na nagsimulang gumawa ng ingay.

I heard him laugh na ipinagtakha ko, "A-Ano pong meron?" Kinakabahan kong tanong pero wala akong nakuhang responde, ang sunod kong narinig ay ang pag strum ng gitara at nakakanindig-balahibong boses.

"I'll be the one that stays 'til the end
And I'll be the one that needs you again
And I'll be the one that proposes in a garden of roses
And truly loves you long after our curtain closes"

Bumukas ulit ang ilaw at unti-unti akong napalingon sa stage kung saan nanggagaling ang boses, doon ay nakita kong nakatayo si Shemiah habang hawak ang isang gitara at diretsong nakatingin sa 'kin.

"But will you still love me when nobody wants me around
When I turn eighty-one and forget things will you still be proud?"

Nang makalapit na siya ay bigla siyang lumuhod sa harap ko na agad kong kinagulat.

"A-Ano bangㅡ"

"And I want you to love me the way you love your family
The way you love to show me what it's like
To be happy..."

Tumingala siya at tinignan ako ng diretso sa mata, "Iana, will you be my girlfriend?" Nakangiting tanong niya, naramdaman ko ulit ang pagbilis ng tibok ng puso ko na parang nangangarera.

Tinignan ko si dad na ngiting-ngiti at parang proud na proud habang nakatingin kay Shemiah. Tinignan niya ako at tinanguan bilang pagpayag sa magiging sagot ko.

"Y-Yes," pabulong kong sagot pero narinig pa rin iyon ni Shemiah kaya nanlaki ang mga mata niya at agad akong niyakap.

Ang sunod kong narinig ay ang hiyawan at kantyawan ng mga tao pero nanatili ang atensyon ko sa taong yakap ko ngayon, sa taong gusto kong makasama habangbuhay.

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: Jan 30, 2021 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

Where Our Hearts BelongWo Geschichten leben. Entdecke jetzt