"Why are your eyes so puffy?" tanong ni Sancho. "Did you cry last night?"
Kaagad akong umiling sa kanya at sumubo sa pagkain ko. "Nakagat ng ipis."
"Pareho?" nagtatakang tanong niya at halatang hindi naniniwala sa sinasabi ko.
"Oo, uhaw yata 'yung ipis."
Hindi na niya ako tinanong pagkatapos noon, but I appreciate that he's asking me that, like he's concerned about me.
Bakit kaya hindi na lang si Sancho? I mean, he's so good to me. He likes me a lot. Bakit hindi na lang siya?
Isn't it unfair that I have to burn for someone who does not feel the same way about me?
"Wala yatang balak gumraduate si Haki," sabi ni Aegis, and my heart stopped beating for a second. "Hindi talaga um-attend kahit isang beses."
I don't know, pero isang rinig ko lang sa pangalan niya, pakiramdam ko ay mawawala na ako sa sarili. His name hurts me in so many ways. I can't help it. I wish they would stop talking about him because even my heart couldn't.
I don't think we can still be friends. I'm really... disappointed with you. I don't know, did you change or did your mask fall off?
Napapikit ako nang mariin nang maalala ko ang mga huling kataga na sinabi niya sa akin bago kami maghiwalay kagabi.
I'm more disappointed than he is. Pero bakit pakiramdam ko, wala akong karapatang magalit? Bakit pakiramdam ko, kasalanan ko dahil nagpadala ako, dahil naniwala ako, dahil nagpauto ako?
Hindi ko man lang nadepensahan ang sarili ko. Parang wala rin namang mangyayari kahit magsalita pa ako. Hindi niya rin naman ako paniniwalaan...
It's like I was crying on deaf ears... that wouldn't even dare to listen.
Ni wala akong mapagsabihan ng nararamdaman ko ngayon. The first time I did that, with my sister, I got stabbed in the back.
Baka lang mangyari ulit sa akin iyon, I'm too afraid to open up... I can't even tell my friends about this dahil alam nilang gusto ako ni Sancho at iniisip nilang sobrang close lang talaga namin ni Haki.
Katulad noong mga nakaraang araw, hindi ulit siya um-attend ng dry run, kahit ito na ang huli. Bukas na ang graduation pero gaya ng sabi nila, mukhang wala siyang balak um-attend. Hindi pa ako handang makita siya ngayon pero he shouldn't miss an event like this! Ilang beses lang siyang ga-graduate sa buong buhay niya!
That made me wonder kung ano kayang nasa isip niya at hindi siya uma-attend. Is he doing this intentionally? Is he doing this to avoid me? Should not I be the one to do that?
We went home earlier than expected. Maaga pa raw kasi ang Baccalaureate Mass bukas bago ang graduation naming mga seniors kaya naman pinauwi na kami nang maaga para makapagpahinga at maihanda na rin kung ano'ng mga kakailanganin namin bukas. Ini-hanger ko na ang uniporme kong isang beses ko na lang gagamitin, pati na ang nirentahang toga na ibabalik rin pagkatapos ng graduation.
Katatapos ko lang magluto ng hapunan nang biglang marinig kong may tumatawag kay Papa sa labas ng bahay.
Dumungaw ako sa bintana at nakita ko si Mang Ben, kapwa mangingisda ni Papa. "Bakit po? Wala po rito si Papa, nag-iigib po."
"Ay Kiara, tawagin mo muna," sabi sa akin ng matanda na mukhang hinihingal pa mula sa pagtakbo. "May nakakita raw doon kay Yohana na sumakay ng bangka at umalis ng isla kaninang madaling araw."
BINABASA MO ANG
Playdate
RomanceHaki became interested by how physical intimacy can make the girl he likes like him, so he decided to put it to the test on Kia. He even kissed Kia in places he shouldn't have. Kia, on the other hand, began to believe that Haki has feelings for her...