55 (FINAL)

6.7K 131 40
                                    

Note: This will be the final chapter before the epilogue. If you have questions, please leave a comment. Thanks! ❤️

"Salamat, Kuya Derek," kumakaway kong sabi sa kanya noong makasakay siya ng pickup. "Bukas po ulit!"

Ngumiti lang siya sa akin bago pinaandar ang kotse.

Umikot ako at hinarap ang bahay ni Sancho. Tumingala ako sa langit bago huminga nang malalim. Malapit nang lumubog ang araw... talagang inabot kami ni Kuya Derek ng hapon sa pagdedeliver.

Nagdalawang-isip pa ako bago kumatok, pero nandito na talaga ako. Nakakahiya rin naman kung hindi ko siya sisiputin kahit sinabi ko sa kanya kaninang umaga na dito ako didiretso.

Sa bahay natulog kagabi sina Ate. Sobrang saya ko rin dahil nakasama ko sila. Hindi naman pala gaano kalayo ang tinitirhan nila dito sa Prealta. Mabuti na lang at makakadalaw ako roon at sila rin dito paminsan-minsan.

Kaagad akong napapitlag nang maramdaman ko ang pagpihit ng doorknob. Inihanda ko na agad ang ngiti ko pero laking gulat ko nang si Haki ang iniluwa ng pinto.

"A-Ano'ng–" I said, stumbling over my words. Ibinaba ko ang tingin ko sa sapatos ko. "Ano'ng ginagawa mo dito...."

"May pinag-usapan lang kami ni Sancho," sabi niya sa akin. "Aalis na rin ako."

Tumango lang ako sa kanya bago pumasok sa loob at tinabig ko ang katawan niya. "Sige..."

Mas lalo akong nainis sa sarili ko. Bakit hindi ako makatingin sa kanya? Sobrang nagi-guilty talaga ako at hindi ko siya kayang i-approach... At saka, ano'ng pinag-usapan nila ni Sancho? I'm curious now. Ipinapaubaya nya na ba ako?

I slapped myself mentally. Get ahold of yourself, Kia! Kung ano-ano na namang iniisip mo!

Hindi na ako lumingon sa kanya hanggang sa marinig kong nagsarado na ang pinto. Dumiretso ang tingin ko sa direksyon ni Sancho. I gave him a faint smile na kaagad naman niyang ginantihan.

"Kumusta..." nauutal kong sambit at kaagad akong napapikit dahil sa inis sa sarili ko. Nakuha ko pang mangamusta?

He sighed then motioned at me to come sit beside him. Noong nakaupo na ako, kaagad na dumapo ang dalawa niyang palad sa mukha niya. He spoke, "To be honest, I'm not okay," sabi niya at lumingon sa akin. "For now."

Kaagad akong napatahimik. Wala pa akong nasasabi sa kanya, ganito na ang reaksyon niya. Mas lalo akong na-guilty. Naging sobrang buti niya sa akin.

Ano kayang sinabi sa kanya ni Haki at ganito ang reaksyon niya ngayon?

"Kia," he said. "If you're going to tell me something, tell me now. Para isang bagsakan na lang."

"San–"

"And please don't lie to me. Please don't tell a lie just to console me," sabi niya sa akin at tiningnan ako nang matiim. "You didn't love me, right? You just loved the way I love you pero hindi mo ako minahal. Ni hindi mo nga siguro ako ginusto."

Hindi ako nakasagot. My eyes landed on my hands, avoiding his stare.

"Hindi mo nga talaga ako gusto..."

Upon hearing what he said, it felt like my heart is being pushed down. I don't want to hurt him. Ayoko talaga. Ayokong masaktan pa siya nang dahil sa pagiging makasarili ko.

"Sancho," I finally found the courage to say what's on my mind. "I'm not trying to console you, but you are so good to be true."

PlaydateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon