36

5.7K 119 23
                                    

Nagising ako nang mag-aalas dos ng madaling araw. Sobrang babad kasi namin kanina ni Haki sa mga laro. Noong tinuruan niya akong maglaro, medyo naadik rin ako at nakisali na sa kanya kaya naman hapon na siguro kami natapos.

Hintay ako nang hintay sa mga bisita niya pero hindi pa naman sila dumarating, kaya naman nakatulog na ako sa paghihintay kahit na hapon pa lang.

Lumabas ako ng kwarto para uminom sana ng tubig. Iniisip ko tuloy kung saang kwarto natutulog si Haki. At nandito na rin kaya ang mga kaibigan niya? Sa pagkakaalam ko ay kanina pa dapat sila nakarating, pero hindi ko sigurado kung nandito na sila ngayon.

Noong nadaanan ko ang gameroom ni Haki, bigla akong na-curious dahil nakikita ko sa maliit na siwang ng pinto ang ilaw na nagmumula sa kwartong iyon. Dito kaya siya nakatulog? I suddenly felt bad for him.

Nang sumilip ako roon ay laking gulat ko sa nakita ko. He's not watching dirty stuffs, pero nanonood siya ng cartoons. Seriously? Cartoons? Alas dos ng madaling araw?

Napalingon siya sa akin habang may kagat-kagat na chocolate bar. Mukhang nagulat rin siya nang makita ako. He's wearing a hoodie at nakataas pa ang paa sa upuan habang nakaharap sa computer niya.

Pumasok ako sa loob kaya naman nakita kong ini-pause niya ang pinanonood at umikot sa pagkakaupo.

"Bakit gising ka na?"

"Bakit gising ka pa?"

Sabay na sabay pa ang pagkakatanong naming dalawa. Nauna akong magsalita. "I just woke up. Ang haba ng tulog ko."

"Oh," sabi niya at kumagat ulit sa tinapay na kinakain niya. "I really can't sleep."

"Bakit?" kuryosong tanong ko. Can't he really sleep alone? I thought he's just joking. At wala talaga siyang pinagbago kahit simula noon. He still watches these kind of stuffs! He still watches anime and cartoons, at nang ilibot ko ang paningin ko, may mga manga rin na mukhang hindi niya pa nababasa. He even has action figures sa ibabaw ng mga cabinets niya.

"I don't know," sabi lang niya. "Dumating na nga pala sina Chrollo at Medel."

So their names are Chrollo and Medel? I wonder what kind of people are they. Medyo na-excite tuloy ako!

"But I don't really know where to take them," sabi niya. "So I asked for your help. Tatlong araw pa naman sila rito."

"Ang boring mo naman," I said bluntly. He owns the island at wala man lang alam na kahit ano'ng lugar dito! "Ang daming pwedeng puntahan."

"Sorry," sabi niya. "I'm still not street-smart."

Guess he really does not change! Bulok pa rin talaga siya sa mga direksyon. Kayang-kaya niya yatang maligaw even if you tell him to go straight.

"You want kisses?" tanong niya sa akin kaya naman napalingon ako bigla. Is he really asking for a kiss so casually like it's nothing?!

"H-Ha?" nauutal kong tugon. "What the hell? No!"

He just nodded and I saw him pull a bag of Hershey's kisses out of his drawer. "I thought you want some."

Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko, mabuti na lamang at madilim dito dahil sa purple lighting. What the hell are you thinking, Kiara?!



PlaydateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon