54

5.2K 100 13
                                    

Ilang araw kaming hindi nag-uusap ni Haki. Ni hindi rin kami nagpapansinan. I know I'm a bit impulsive too, because I reacted like that, pero hindi ko lang talaga maiwasan na ma-disappoint. I've been really harsh on him that day too, I admit. And I can't figure out how to talk to him again... I'm aware that I'm in the wrong too. I'm sure he has his reasons that is why he couldn't answer me that day. Hindi rin ako naniniwala na kasinungalingan lang ang lahat ng sinabi niya sa akin.

We both became busy. May mga inaayos siyang mga papeles para sa isla at nilalakad na rin siguro niya ang mga kakailanganin sa pagkuha niya ng masters. Palagi naman akong wala doon sa mansyon dahil tumatanggap ako at nagdedeliver ng orders.

Ni hindi rin kami nagtatabi kung matulog. Kahapon, hindi na ako doon umuwi sa mansyon. Umuwi ako sa dati kong inuupahan, tutal ay ligtas na naman doon ngayon dahil may mga pulis na rin sa paligid.

I don't know, pero mas lalo akong nalulungkot hindi dahil sa reaksyon niya kundi dahil hindi niya ako sinusubukang kausapin. I know I'm at fault too. Hindi ko rin naman sinusubukan.

Pagkauwi ko sa bahay, nagulat ako nang makita ko si Ate Yona kasama ang anak at ang asawa niya sa labas. Ni hindi ko alam kung ano ba ang dapat na maging reaksyon ko. Ang alam ko lang, wala na akong nararamdaman na galit sa kanya.

Pinatuloy ko sila sa loob ng bahay at inalok ng maiinom. Pagkatapos noon, lumabas sina Leto at ang asawa ni Ate kaya naman kami lang ang naiwan sa loob.

She started sobbing all of a sudden, kaya naman sobra akong nabigla. She hasn't even said anything to me kundi 'salamat' at 'oo' simula noong pinatuloy ko sila dito sa loob!

"Ate..." kaagad kong lapit sa kanya, pero hindi ko alam kung paano ko siya patatahanin. "A-Ayos ka lang?"

Tumango-tango lang siya habang nagpapahid ng luha at tumingin sa akin, "Sorry sa lahat, Kia..."

Sa apat na salitang sinabi niyang iyon, kaagad na nagtubig ang mata ko. Hinawakan ni Ate ang kamay ko at nanatili na nakatingin doon. "Alam kong hindi ganoon kadali, pero humihingi ako ng tawad sa lahat ng mga nagawa ko sa'yo noon... at kay Papa," dugtong niya at nasundan pa iyon ng malalakas niyang hagulgol. "Pasensya na kung masyado akong mahina, Kia... Pasensya na kung kailangan pang mawala ni Papa para matauhan ako sa mga maling nagawa ko..."

Ate Yona kept crying on my arms, habang ako naman ay nakikinig lang sa kanya. I don't know, but I missed her so much. I forgot what I was so mad about. Hindi ko alam, pero sa mga oras na ito, naisip ko na siya na lang ang pamilya ko. Siya na lang ang matatakbuhan ko. Siya na lang ang pamilyang masasandalan ko. Sinasayang ko ang oras sa galit ko na wala na namang magagawa ngayon. Kahit magalit pa ako ng sobra, hindi na maibabalik si Papa.

Ate Yona told me how she regrets everything she did and what she told me years ago. Everything she said kept echoing inside my head na para bang kahapon niya lang sinabi. I didn't know I was so conscious of feeling so small and being so overly anxious about people's opinion dahil lang sinabi niya sa akin noon na minamaliit ako ni Haki. I didn't know I wasted so many of my time being so frustrated and mad and avoided everyone who just wanted to help me without expecting anything in return.

And I'm really happy na masaya rin si Ate ngayon sa pamilya niya. The guy she married was the same guy na nakita kong kasama niya noon. His name is Louel. Si Leto naman, 4 years old na at masusundan na rin ngayon. Sabi ni Ate, hindi niya na raw ulit nakita ang lalaking nakabuntis sa kanya. I was too hesitant to ask her about how did it happen, but she told me about it herself. She did it for money.

"Kinausap mo na ba si Haki?"

Napapitlag ako nang marinig ko ang tanong niya. I looked at her she seems worried. Did Haki tell her about it? "Tinawagan niya ako kaninang madaling araw. Busy raw kasi siya pero nag-aalala siya sa'yo kaya pinatingnan niya sa akin kung nandito ka."

Hindi ako nagsalita.

"Kia," sabi niya at hinaplos ang balikat ko. "Alam kong wala ako sa lugar para sabihin ito, pero subukan mo ring intindihin si Haki."

Hindi ako sumagot at umiwas lang ng tingin sa kanya. Still... I can't figure out why he said nothing...

"Maniwala ka man o hindi, parang nakababatang kapatid na rin ang turing ko kay Haki," sabi ni Ate. "Kahit noon pa man. Kaya siguro inisip niya na gusto niya ako, ay dahil noon, ako lang talaga ang nakakaintindi sa kanya. He's looking for affection, Kia. Inakala niya siguro na gusto niya ako noon dahil kaya ko siyang alagaan."

Nanatili akong tahimik at nakinig sa mga susunod niyang sasabihin. So all this time, alam ni Ate na confused lang si Haki sa nararamdaman niya?

"At tama ka, Kia. Mabuti siyang tao, gaya ng sinabi mo sa akin noon," dugtong niya. "Pinagsisisihan ko ang mga ginawa ko sa kanya noon. Ni hindi ako makatulog sa gabi sa tuwing maaalala ko kung ano'ng naging trato ko sa kanya samantalang naging mabuti naman siya sa akin."

Somehow, I felt proud that I defended him. At sobrang sarap sa pakiramdam dahil hanggang ngayon, hindi pa rin siya nagbabago.

"Kia," sabi ni Ate at iniharap ako sa kanya. "Intindihin mo rin si Haki, okay? Ikaw lang ang kailangan niya ngayon. Ikaw lang ang makakaintindi sa kanya."

Tumango ako sa kanya.

"Lumaki siya nang walang pamilya," sabi ni Ate. "Paniguradong nahihirapan siyang pakawalan ka dahil gusto ka niyang makasama. At bukod pa roon, ngayon lang talaga ulit kayo nagkita. Ayaw niya lang talaga sigurong mahiwalay ulit sa'yo."

Bigla akong natauhan dahil sa sinabi ni Ate.

She's right.

Haki is so understanding. He takes care of things really well, he understands people, and he has a big heart for everyone. He is selfless and thinks about other people before himself, but...

No one did the same for him.

Maybe he likes being taken care of, but no one does it for him.

Maybe he understands people, but no one really tried to understand him.

Maybe he wanted to be someone's top priority, even for once.

Maybe he really wanted a real family, something that other people can't give him, aside from me.

Maybe he really wanted something he can call his own.

Napayakap ako kay Ate at nagsimula na ulit na humagulgol. I kept on thanking her between my sobs at hindi ko alam pero nakaramdam ako ng awa kay Haki. Ako na lang ang natitira sa kanya... bakit hindi ko siya sinusubukang intindihin?

He puts me first above anything else always, bakit siya na lang ang palaging nag-aadjust?

He's willing to let go of everything just for me, bakit hindi ko kayang pakawalan si Sancho para sa kanya?

While I'm at it, nag-open na rin ako kay Ate tungkol kay Sancho. Sobrang nag-iisip rin talaga ako kung paano ko sasabihin kay Sancho ang tungkol sa amin ni Haki. I mean, Sancho didn't do anything bad to me from the very start... at ayaw ko siyang masaktan, pero hindi ko talaga siya kayang gustuhin. I think of him as a really good friend, at hanggang doon na lang iyon...

"Natatakot ako, Ate..." sabi ko sa kanya habang mahigpit na nakakapit sa damit niya. "Mahal ko si Haki, pero ayokong masaktan si Sancho... he's been really good to me..."

She kept on stroking my hair kaya naman mas lalo akong naiiyak. Bakit palaging ako ang iniintindi? When will I ever understand other people?

"Kia, malaki ang utang na loob mo kay Sancho pero hindi pwedeng iyon lang ang iniisip mong dahilan para manatili sa kanya," she said. "Don't be like that... Give him a chance to meet someone who's willing to go to great lengths for him. Hindi dahil naawa ka lang..."

Tumango-tango ako sa kanya.

"You know what's best for you," she said while hugging me. "And what's best for them."

It's time to sort things out. No more running away. I have to tell Sancho the truth. That way, I can give him a chance to be happy again, pero hindi na sa akin.

That day, I cried to my heart's extent. I'm so mad at myself for realizing this just now. All this time, Haki is asking for something that only I can give him.

A family.

PlaydateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon