47

5.3K 119 18
                                    

I was actually pretty shocked to wake up to the smell of Sancho's cooking this morning. I can't believe I spent the night here!

Pagkagising ko kanina, nasa higaan na ako. As far as I can remember, nasa salas ako kagabi dahil nagdadalawang-isip ako kung pupuntahan ko ba si Haki dahil may sakit siya o mananatili ba ako sa bahay ni Sancho because he asked me to stay with him. In the end, nakatulog na lang talaga ako sa kakaisip at sa pagod na rin dahil sa ginawa namin ni Haki kahapon. Sobrang tanga ko! I'm afraid he'll misunderstand! And I'm starting to believe na baka impokrita nga talaga ako. If I'm sure about what I feel, wala akong second thoughts. But what do I expect? I'm always like this. I'm always indecisive. Ako rin mismo ang gumagawa ng sarili kong mga problema.

At talagang paggising ko kanina, nauna kong isipin kung ano ang magiging reaksyon ni Haki kapag nakita niyang wala na ako sa tabi niya paggising niya ngayong umaga.

"Take your time," sabi ni Sancho habang nagmamadali akong kumain para makauwi na. "And you can use my clothes if you want to take a bath."

Tanging tango lang ang iginanti ko sa kanya. Does he remember everything he told me last night? Dahil ako, tandang-tanda ko pa. Pero hindi ko malaman kung bakit parang nakalutang pa rin ako.

"Sancho–"

"Please don't make me mad," sabi ni Sancho. He's becoming really good at cutting me off... "If you're not going to say anything good, just... shut it. I don't want to hear it."

Medyo nasaktan ako dahil sa sinabi niya, pero hindi na talaga ako nakapagsalita. Is this how Haki feels whenever I ask him to just shut up? Whenever I ask him to not say a word? Whenever I always cut him off so I won't hear anything that can hurt me?

And... he's became really cold. Malamang ay alam niya talaga ang mga sinabi niya sa akin kagabi. I mean, his expression is not changing. Nakakatakot ang aura niya...

Kanina, hindi na talaga ako nakaangal sa kanya noong sinabi niya sa akin na ihahatid niya ako pabalik kina Haki. I even wore his clothes because he forced me to.

"Get your things," sabi niya sa akin habang nagmamaneho. Sumilip ako sa bintana at nakita kong malapit na kami kina Haki. "Hihintayin kita sa labas. You're coming with me."

"Ano?" gulat na tanong ko sa kanya. "Saan?"

Hindi siya lumingon sa akin pero ipinarada niya ang kotse malapit sa gate. "You're going to live with me."

"Hindi na naman kailangan," sabi ko sa kanya nang maramdaman kong itinigil niya na ang kotse. "Maghahanap ako ng bagong mauupahan..."

"Kia," sabi niya at hinarap ako. "Didn't we talk about it last night?"

"Still," sabi ko sa kanya at binuksan ang pinto ng kotse. "Ako pa rin ang magdedesisyon para sa sarili ko. I'm sorry."

"Okay..." sabi niya at lumapit sa akin. Nanatili akong nakahawak sa pinto at umiwas nang tingin sa kanya. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Just call me kapag nagbago ang isip mo. I'll be waiting for you."

Hindi ko na siya nilingon noong nakalabas ako ng kotse niya at nagdire-diretsong pumasok sa loob pagkatapos tumango sa gwardya.

Gising na kaya si Haki? The last time I checked the time, quarter to nine na. Hindi ko alam kung magiging busy pa rin siya ngayon, pero sana ay maayos na ang pakiramdam niya.

PlaydateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon