The next day, noong tinanong ko ang isa sa mga maids kung nasaan si Haki, she told me that he went outside for a bit to take care of something. Medyo na-bored naman ako kaya nagpasya akong linisin ang kwarto niya, kahit mukhang wala namang kailangang linisin.
Enjoy na enjoy rin ako dahil sobrang ganda ng view ng dagat mula sa bintana ng kwarto niya. Feeling ko ay isa akong prinsesa sa palasyo! Should I thank the intruder? Sobrang gaan ng buhay ko ngayon dahil sa kanya!
But I erased the thought. I really should stop thinking about leeching money off Haki! I'm really becoming more like my sister each passing day!
Napalingon ako sa direksyon ng pinto when I heard it creaking. Pumasok si Haki nang may dalang pagkain. He's wearing a plain black shirt and a gray sweatpants. Tiningnan niya lang ako sandali at dumiretso sa kama para ilapag ang tray ng pagkain, and I can't help but stare at how his thin waist makes his ass protrude more. I looked away noong hinarap niya ako. Why the hell am I scanning his body!
"Kumain ka muna," he said.
"Ikaw?" tanong ko, pero ayaw ko namang sabihin nang diretso na 'kumain ka na rin ba?'
"Kumain na ako bago umalis," tipid niyang sabi at umupo sa sa sofa.
Umupo ako sa kama at tinitigan lang ang pagkain, at pagkatapos ay lumingon sa kanya. "Saan ka ba galing?"
"I brought some of your things," sabi niya. "And I talked to the cops. Mukhang wala naman daw ibang nawala kundi mga appliances mo."
Grabe talaga. Ako pa ang napili nilang nakawan, wala naman akong pera! 'Yung TV, gagana lang talaga 'yon kapag pinukpok. Nawawalan pa minsan ng tunog. Iniisip ko rin tuloy kung nakuha rin 'yung electric fan ko na hindi na umiikot at hindi na lumilingon sa ibang direksyon. May stiff neck yata.
Kung dito sila kay Haki pumunta, e 'di sana hindi sila lugi!
Nagpasalamat ako sa kanya, kahit medyo nahihiya dahil iniisip ko kung nakita ba niya at dinala rin ang mga panty at bra ko. Medyo nagpanic rin ako dahil baka mamaya, mga maluwag na ang garter ang nadala niya. Sobrang nakakahiya, 'pag nagkataon! Balak ko namang bumili sa kabilang linggo ng mga bago pero nangyari lang talaga ito!
"And why are you cleaning?" tanong niya sa akin. Nakita niya siguro na may dala akong walis kanina pagkarating niya. It's no big deal, grabe naman!
"E wala akong magawa kanina," sabi ko sa kanya at nagsimula nang kumain. Feeling ko talaga ay prinsesa ako! May breakfast in bed pa talaga!
"Are you bored? Let's go to the gameroom later?" kaswal na kaswal na pagkakasabi niya, and memories started hitting again. It feels nostalgic now that I can remember how I first gave him a head noong nag-aaral pa kami!
I took a bath before going there. Medyo na-stress nga ako sa kanya dahil halos lahat ng ginagamit niya, hindi ko alam kung pang-baby o trip lang niya na amoy baby talaga! Baby soap, baby powder, baby cologne, ultimo lotion! Medyo nag-alinlangan pa akong gamitin iyon dahil ayokong magkapareho kami ng amoy, pero wala naman akong ibang magagamit. Dapat pala ay bumili muna ako kanina.
Noong binuklat ko ang mga gamit na dinala niya, medyo nakahinga ako nang maluwag dahil maayos ang mga dinala niya. Pero sobrang nahihiya pa rin ako kapag iniisip ko kung ano ang reaksyon niya habang nag-iimpake.
And something caught my attention. His mother's armlet! Nakasiksik iyon sa mga damit sa loob ng maleta. Mabuti na lamang at hindi nakuha ng nanloob sa bahay!
BINABASA MO ANG
Playdate
RomanceHaki became interested by how physical intimacy can make the girl he likes like him, so he decided to put it to the test on Kia. He even kissed Kia in places he shouldn't have. Kia, on the other hand, began to believe that Haki has feelings for her...