Sinta
ni Mico AlcantaraSa bawat daan mo sa aking harapan
Ninais ko na ika'y lapitan
Sa bawat ngiti mo sa iyong mga kaibigan
Hiniling ko na ako ay isa sa dahilanMapaglaro ang mundong ating ginagalawan
Hindi nga kita makausap kahit saglit man lang
Inuunahan ako ng kaba na aking nararamdaman
Napapapikit na lang kapag hindi na naman nasubukanIkaw ang magiging paksa
Ikaw lang tunay, ikaw lang talaga
Ikaw ang bukas, ikaw ang umaga
Ikaw ang gabi, ikaw lang sinta---
![](https://img.wattpad.com/cover/232190400-288-k391084.jpg)
YOU ARE READING
Poems of Mico [COMPLETED]
PoetryMico Alcantara from the College of Architecture, a poet who always write his feelings for the love of his life. He voice out what he feel by getting his pen and notebook. -- Started: July 8, 2020 Finished: July 20, 2020