Torpe
ni Mico AlcantaraAng daming gustong sabihin
Mga salitang nais sambitin
Damdaming matagal nang gustong ipabatid
Subalit dinadaga ang dibdibHindi alam saan at paano uumpisahan
Di ko nga man lang magawa na ikaw ay lapitan
Sa unang hakbang pa lang ay aatras na
Kaya hindi magawang umusad papunta sayo, sintaKaunting hintay pa,
Mangongolekta lang ako ng lakas ng loob
Baka sa susunod, pwede na
Pwedeng bukas o sa makalawa, masabi ko naMahal na mahal talaga kita
---
![](https://img.wattpad.com/cover/232190400-288-k391084.jpg)
YOU ARE READING
Poems of Mico [COMPLETED]
PoetryMico Alcantara from the College of Architecture, a poet who always write his feelings for the love of his life. He voice out what he feel by getting his pen and notebook. -- Started: July 8, 2020 Finished: July 20, 2020