Tuwa
ni Mico AlcantaraNakita kitang nakaupo sa damuhan
Hindi na naman napigilan na ika'y matitigan
Magaganda mong ngiti
Huwag mo sanang tanggalin sa iyong labiLabis ang galak nang makita ko
Ang regalong binigay ko sa iyo
Suot-suot mo pa nga ito
Tunay na hindi inaasahang mangyayari 'toBagay na bagay sa iyong pala-pulsuhan
Ang regalong matagal kong pinagisipan
Alam kong hindi siya ganoon kagandahan
Subalit tinanggap at sinuot mo namanHindi ko mapigilan na huwag isulat
Ang nararamdaman kong tunay
Labis ang galak, mahal ko
Sobra-sobra, grabeng-grabeMahal na mahal kita.
---
ČTEŠ
Poems of Mico [COMPLETED]
PoezieMico Alcantara from the College of Architecture, a poet who always write his feelings for the love of his life. He voice out what he feel by getting his pen and notebook. -- Started: July 8, 2020 Finished: July 20, 2020