Handa Ako
ni Mico AlcantaraHanda akong maging sinuman para sa'yo
Handa akong maging si Vice Ganda para mapangiti ka
Handa akong maging si Justin Bieber para kantahan ka
Handa akong maging si Jackson Wang para sayawan ka
Handa akong maging si Lee Min Ho para pakiligin ka
Handa akong maging si William Shakespeare para alayan ka ng isang akda
Handa akong maging si Da Vinci para ipinta ka
Handa akong maging si Jose Rizal para ipaglaban ka
Handa akong maging sino para magustuhan mo
Subalit...
Handa ka rin sanang mahalin ako sa kung sino ako
Si Mico na aalayan ka ng tula
Si Mico na laging ikaw ang paksa
Si Mico na ikaw lang ang sinisinta
Si Mico na gusto kang maging isang Alcantara
---
![](https://img.wattpad.com/cover/232190400-288-k391084.jpg)
BINABASA MO ANG
Poems of Mico [COMPLETED]
PoetryMico Alcantara from the College of Architecture, a poet who always write his feelings for the love of his life. He voice out what he feel by getting his pen and notebook. -- Started: July 8, 2020 Finished: July 20, 2020