Tula (5)

24 8 0
                                    

Requirments
Ni Mico Alcantara

Parte ka ng aking pag-aaral, kaibigan
Hindi ka mawawala sa aking listahan
Araw-araw lagi kaming pinaalalahanan
Na huwag kang kalilimutan

Nakakapagod kang intindihin minsan
Subalit nasanay na akong ika'y nandyan
Gabi-gabi ika'y aking ginagawa
Minsan ay hapon pa nga

Ikaw ay mahalaga sa amin
Magiging daan sa aming hangarin
Ikaw ay isang sandata
Para makaurong at maipanalo ang giyera

---

Poems of Mico [COMPLETED]Where stories live. Discover now